𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 38

1.6K 16 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

  Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa boses ni Quintin.

"Baby wake up.. Breakfast in bed is ready.. May lakad pa tayo!"  Yugyog sa braso at mahihinang tapik sa pisngi ang ginawa niya

"Hmmm... Five minutes.." Mahinang sagot ko habang naka pikit pa rin

"No baby. May lakad pa tayo,malalate na tayo!"

Napadilat ako ng mata ng marinig ang sinabi niya.

"Malalate?? San ba tayo ngayon??" Takang tanong ko

"What? May amnesia ka na ba??! Diba I told you last night pupunta tayo sa tito ko because today is our civil wed."

Ha?? Totooba talaga yun?? Akala ko panaginip ko lang yun kagabi.

"Akala ko panaginip ko lang yun,totoo pala!" Ngisi ko sa kanya

"Dream or not, mangyayari na ngayong araw ang kasal." Tinaasan pa niya ako ng kilay

Hinila na niya ang mga kamay ko para maka upo na ako. Umayos naman ako ng upo bago nagtungo sa banyo. Morning routine first bago kumain.

  "Wait,how about the kids?" Tanong ko ng maka balik ako sa kama

Inayos na niya ang mga pagkain dito kaya magkaharap na kami.

"Ready na rin ang foods nila but maiiwan sila,si Reed ang magbabantay. Tayo lang ang aalis ngayon,so eat now dahil malalate na tayo."

"Okay..okay.. Kakain na.."

  Kumain na nga kami pero naasiwa ako dito sa kasama ko. Kanina pa ngiti ng ngiti. Sinasapian na naman yata to! Naku! Huwag muna sa ngayon!

Hays. Sa kanya na talaga dadapo ang sapak ko kung pinagtitripan lang ako ng taong to!

"Mailigo na ako,ikaw na muna magligpit jan ha?!" Saad ko

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo. Makaligo na lang dahil naka ready na ang kasama ko,hindi man lang ako ginising ng mas maaga.!

"Baby di ka pa tapos jan??" Dinig kong tanong ni Quintin

"Saglit lang! Nagpapatuyo na lang ako ng buhok!" Sigaw ko para dinig na dinig niya. Haha

"Tagal! Mauubos na ang isang oras mo jan!" Reklamo ng loko

"Saglit lang!"

"Magpalit ka na,ganyan na lang yan.!"

Hindi ko na siya sinagot at tinuloy ang ginagawa ko.

"Waaah!! PALAKA!!" gulat kong hiyaw ng tumingin ako sa salamin

"What??!!" Bulalas naman nang dahilan kung bakit ako napahiyaw

Paano naman kasi,nakayuko ako dahil pinapatuyo ko ang buhok ko tapos bigla akong tumingin sa salamin. AYon, mukha na hindi maipinta ang itsura ang nakita ko. Hahaha Sorry naman...

"Bakit kasi wala kang imik jan? Nagulat tuloy ako!" Natatawang saad ko

Yung mukha niya kaninang parang inip na inip na ewan, ngayon mas malala pa sa mukha ng taong nanakawan. Kumbaga sa papel crumpled na masyado.

"Pero hindi ako palaka!! San ka naka kita ng ganitong kagwapong mukha na sinasabi mong palaka?"

Yabang!! Hahaha

"Ikaw ay hindi sa frog prince!" Turan ko pa rin hahaha

"Mas gwapo naman ako dun! Tara na nga! Inuubos mo ang oras eeh!" Reklamo niya

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon