🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥Pang-apat na araw na namin dito sa bahay.. Kaya apat na araw na din naming hindi nakikita ang mga Dela Tore.
Alam na rin ni lolo ang lahat.. Hindi naman siya galit sa magkapatid na Dela Tore. Pero medyo naiinis lang siya kay Quintin.
Ayos naman kami dito ni Ax pero araw-araw pa rin niya akong tinatanong kung uuwi na ba kami sa daddy niya..
"Mommy morning po.." Matamlay na bati ni Ax pagkagising niya
"Good morning baby.. Are you okay??" Alalang tanong ko sabay dampi ng kamay ko sa leeg at noo niya
"I'm fine mommy.."
"No you're not baby.. May lagnat ka.. Lay down again and wait for me here.."
Tinulungan ko siyang humiga tsaka ako mabilis na kumuha ng mga kakailanganin kong pamunas sa kanya.
"Mommy I miss daddy and kuya.. Can I see them??" Matamlay pa rin na tanong niya
"Pero baby.."
"Please mommy.."
Wala na akong nagawa dahil sa pagmamakaawa ni Ax. Napabuntong hinga na lang ako bago tumango..
"Fine baby.. Magpagaling ka muna bago tayo umuwi kay daddy.." Malumanay kong sambit
"But mommy I want to see them now.." Pagsusumamo pa rin niya
"Sige bukas baby,uwi na tayo.."
"Promise mommy??" Paninigurado pa niya kaya tumango na lang ako..
Inasikaso ko na lang siya para maagapan agad ang lagnat niya..
Simula ng umalis kami sa hacienda Dela Tore ay hindi pa kami nag-uusap ng personal ng asawa ko.. Pero nakatatanggap pa rin ako ng mga messages galing kanila ni Reed pero hindi ako nagreresponse sa kanila.
Medyo okay na rin naman ako at nahimasmasan na rin sa mga nangyari..
Nakapagdesisyon na rin ako na uuwi na kami sa isang araw pa sana pero mapapaaga na ang balik namin dahil kay Ax.
Maghapon lang kami ni Ax dito sa bahay at medyo nagiging okay na rin siya. Kaya ayos na rin yun para okay na siya bukas.🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥
Ilang araw nang wala sina Mori,gusto ko na silang sunduin dahil miss na miss ko na sila pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako okay..
Ayokong masaktan ko siya ulit emotionally.. Gusto kong totally okay na ako kapag sinundo ko sila.
Pero akala ko kaya ko pang tiisin na wala sila dito. Para akong mas nanghihina habang tumatagal..
Kinuha ko ang phone ko at hinanap ang pangalan ni Mori sa contacts ko. And dialed her number..
"H-Hello?" Mahinang sambit niya sa kabilang linya
"Baby.." Sambit ko,naiiyak na rin ako ng marinig ko ang boses niya.
"Quintin..." Tawag niya ulit sakin..
Nagising ko yata siya sa pagtulog niya,sabagay gabi na rin naman kaya natulog na sila.
"I miss you!" Halos pabulong kong sambit.
Natahimik siya sa kabilang linya pero narinig ko na lang ang mag iyak niya..
"Baby sorry.. I'm sorry please come back.." Sambit ko ulit
"Quintin.."
"Please.. Miss na miss ko na kayo ng baby natin.."
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...