𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 2

4.2K 30 1
                                    

🆁🅴🅴🅳 🅿🅾🆅 ::

   Mabilis akong naglalakad sa hallway ng hospital,halos lakad takbo ang ginagawa ko makarating lang sa elevator.

  Grabe naman kasi si kuya kung bakit siya ng set ng meeting niya ngayon sa maagang oras pa. Kanina pa ako late at syempre mas lalo na siya..

  Malilintikan na naman ako neto eeh. Siguro hindi na naman maipinta ang mukha niya..

  "Damn! Buti na lang at nahabol kitang lintik na elevator!" Bulong ko ng makapasok ako sa loob.
 
Muntik pa akong maiwanan naku hindi ko na kaya ang maglakad sa hagdan paakyat sa third floor!Masisira na ang porma ko pag nagkataon!

   "Araaaay... Kuya naman kasi bakit kasi ang aga?? Napuyat ako aah!" Reklamo ko ng malakas akong binatukan ni kuya

  "Haha.. Dada lagot wawa pa!" Kantiyaw sakin ni Zane

"Ikaw kasi pasaway ka!" Saad ko naman sa batang pasaway pero tinawanan lang ako

  "Sisisihin mo pa ang bata! Di ba pinauwi kita agad kagabi? Alas onse pa lang nung pinauwi kita!" Hays! Manenermon na naman

  "Kuya late ka na di ba?? Sige na alis na!" Pagtataboy ko sa kanya at tinutulak na palabas

"Di pa tayo tapos Reed! Alis na ako baby,magpagaling ka!"  Paalam pa niya kay Zane

  "Yes dada Q! Dada R will be okay with me.. Hintay namin si Nurse ganda!"

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Zane.. Hahaha baka sabihin pa niyang babae lang ginagawa ko dito eeh.. Pero napatigil si kuya at kunot noong nakatingin sa akin.

  Lumapit siya kay Zane at tinakpan ang tenga ng bata. Tsaka matalim na lumingon sa akin.

  "Nambababae ka na naman? Pati pa mga nurses dito sa hospital Reed?" Mahina ngunit madiin niyang turan pero ngumiwi ako

  "Hindi kuya kinakaibigan ko lang, mas bagay kayo!swear!"  Ngiti ko sa kanya pero marahan niya akong sinipa sa paa

  "Umayos ayos ka Reed! Sige na alis na ako!"

   Umalis na nga si kuya kaya hinarap ko si Zane..

"Are you hungry??"

  Tumango siya kaya inayos ko na ang pagkain niya. Kaya sinubuan ko na..

"Good morning po! Ibibigay ko lang po ang gamot ni Zane after niyang kumain!" Saad ng nurse kahapon

  "Okay.. By the way anong oras ang pasok ni Mori?" Tanong ko na ikinangiti niya

  "Mamayang hapon pa sir.. Ala una.. One to one po ang schedule niya!" Saad niya tsaka nagpaalam na

    Kaya pala.. Buti na lang gabi ako pinapalitan ni kuya para masasabay ko siya pauwi..

   Wala naman akong balak manligaw sa kanya.. Kaibigan lang talaga ang gusto ko. Wala pa akong sineseryoso sa mga naging relasyon ko at ayaw ko siyang idagdag dun.

   Kita ko naman na mabait si Mori at hindi tulad ng ibang babaeng nakarelasyon ko na panay flirt lang ang gusto. Pera at mga bagay na gusto nilang makuha,yun lang naman sila. Kaya wala pa akong naseseryosong babae..

   Mori is a kind of a woman na hindi basta-basta.. Kita naman yun sa mukha at galaw niya.

   I think Mori is a fragile one! Sa tingin ko lang naman kaya mahirap kung masasaktan lang siya. Swerte ng lalakeng mapapasa kanya.

  "Dada bakit wala pa po akong tita?" Napaubo ako sa sinabi ni Zane.

  Sinong tinutukoy niya? Ako ba o si kuya? Kasi kung ako wala pa! Di pa pinapanganak ang magpapaseryoso sakin sa isang relasyon! Sa dami ng nakilala kong babae na pare-pareho naman ang ugali.

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon