🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥 ::It's been months past at narito pa rin si Mori sa bahay. She's still the nurse of the family.
Gaya ng dati hatid sundo pa rin namin sila ni kuya. Salitan pa rin kami sa pagsundo.
Palagi niya ring kasama si Ax papunta sa bahay pero minsan ay iniiwan niya ang bata dahil na rin sa request ng lolo niya.
May araw din sa day off ni Mori ay hinihiram namin si Ax kapag nagpupumilit si Zane na gusto niyang kalaro ito.
Hindi na sila iba sa amin. We treated them as part of the family.
And isa pa parang nagsucceed ako for kuya and Mori.. Hahaha
Kalat naman sa mga tauhan namin sa farm na may relasyon ang dalawa.
Hindi ko lang alam kung totoo dahil wala namang nababanggit sa akin si Mori.
Mukha naman silang aso't pusa.. Minsan nag-aaway,hindi sila nagpapansinan pero mamaya okay na naman. Hays! Ewan ko sa kanila..
"REED DELA TORE!" halos mapaso pa ako sa kapeng iniinom ko ng marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni Mori
Pati si lolo na kaharap ko ay nagulat din. Kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"I didn't do anything!" Depensa ko sa sarili ko
"Siguraduhin mo lang!... Iha we're here!" Banta pa ni lolo bago niya tinawag si Mori
"Lolo! Lolo si Reed po!" Sumbong niya agad para siyang bata na inagawan ng pagkain. Hahaha
"Bakit iha? Anong ginawa niya?"
"Maaga pa po pero pinakain na niya ng chocolates yung mga bata!" Naku po! Akala ko ba naubos na nila yun??
"Araaaayyy!! lolo naman eeh.. Hindi lang naman ako yun eeh! Ayaw ko naman po talaga dahil naka bantay ang Mommy nila pero si kuya! Siya nagsabi na bigyan ko na lang daw ng tig-isa! Kaya si kuya ang pagalitan niyo!" Paliwanag ko habang sapo ang ulo kong binatukan ni lolo
"Nandamay ka pa? Nasan ba ang kuya mo?" Seryosong saad ni lolo
"Why?" Sulpot ni kuya kaya sa kanya kami nakaharap ngayon
"Lagot ka" I murmured to kuya kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Ano tong ginawa niyo at pinakain niyo daw ng chocolates ang mga bata??!" Lolo asked to kuya
"What? Kunti lang yung pinabigay ko kay Reed aah! At kanina pa yun!"
"Kanina pa?? Bakit ngayon may nilalamutak pa sila sa loob??!" Pagalit ni Mori
"Ano? San mo ba nilagay yung box ng chocolates??" Tanong sakin ni kuya
Napakunot noo ako ng maalalang hindi ko yata nailagay sa taas ang box! Langya! Papatayin na yata ako ni Mori neto!
Tumakbo ako papasok sa loob.
Pagdating ko sa kwarto ni Zane ay nagkalat na nga ang mga nagbalatan nila ng chocolates.
"Bakit niyo naman pinapak kids?! Lagot ako sa mommy niyo neto eeh!" Reklamo ko habang inaayos ang mga ibang chocolates na nagkalat sa mesa na hindi pa nila nakakain.
Mabilis ko iyong nilagay sa box at ipinatong sa taas.
"Linisan mo ang mga kalat nila jan! Painumin mo sila ng maraming tubig! Bantayan mo para sigurado!" Seryosong saad ni Mori na nakapamewang
"Ano? May lakad ako ngayon!" Bakit kasi ako lang??
"Maaga pa para sa mga babae mo! Jan ka lang,sa mga bata ka muna! Hays! Nakakainis kayo!" Hindi ko alam kong matatawa ba ako dahil halatang pigil ang gigil sa kamay niya para manakit! Hahaha
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...