🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Hindi namin inaasahan ang pagdating ni Angela ng mas maaga sa inaasahan naming araw.
Lahat kami ay nagulat sa pagdating niya pero wala na kaming magagawa nariyan na siya kaya kailangan na lang naming mag-adjust lahat sa pagdating nila.
Heto na nga ang sinasabi namin noon. Kaya ayaw naming pumayag noon ni kuya dahil baka magkaproblema lang. Ngayon nangyayari na nga.
Sa akin naman ay wala namang nareport na pagkakamali kaya hindi na ko na inalam pa kung kanino napunta ang sa akin.
"Kuya nakausap mo na ba ang bata?" Tanong ko habang nagpapahangin kami dito may veranda
Ngumiwi siya kaya alam kong maghapon siyang nakadikit lang kina Mori at sa mga bata
Lahat kami ay hindi handa sa biglang pagdating ng babaeng to.
Buti na lang tinimbrehan agad ako kanina ni kuya para maka balik ako sa oras. Kung hindi baka nagkagulo pa.
Hays! Minsan natatawa na lang ako sa sarili ko. Ako na yata ang dakilang kapatid. Hahaha sa kuya ko lagi akong saksi sa mga ganap ng buhay niya. Personal man o sa buhay pag-ibig niya.
Hindi ko alam pero parang sa kanya at sa trabaho na lang umiikot ang buhay ko. Hahaha
Ang bait ko na ba sobra?? Huwag lang tignan ang bad habits ko,pasado na ako. Haha
"Reed nakausap mo ba kanina si Mori kung anong saloobin niya about sa nangyari kanina?"
Kaya pala malalim ang iniisip niya. Takot na takot talaga siyang umalis sina Mori.
"No. Pero bukas try kong kausapin siya. Tutal naglalabas naman siya sakin minsan ng mga problema niya."
"Sige,kasi parang may napapansin na naman ako sa kanya eeh.."
"Na naman??!" Taas kilay kong tanong, lagi na lang
"Yeah but I'm not sure. Just talk to her tomorrow.."
"Fine!"
"Hi!"
Napalingon kami ni kuya sa nagsalita sa likuran namin.
Angela!
"What are you doing here?!" Malamig kong tanong
"Wala. Magpapahangin lang pero narito pala kayo. It's nice to see you both here!" Ngiti niya at lumapit sa amin
"Gabi na. Mauuna na ako sa inyo!" Saad ni kuya
Akmang hahakbang na siya ng kumapit si Angela sa braso niya.
"Wait lang Quintin.. Hindi pa tayo nag-uusap,yung baby natin hinahanap ka kanina. You wanna see him now??" Malambing niyang tanong
Halos manginig pa ako sa babaeng to. Ewan ko ba,yeah I'm a certified playboy but I don't do flirt to the girls in a relationship.!
"The heck! Stop that Angela! I have my wife already so back off.." Pagalit ni kuya at hinawi ang kamay nung babae
"Wife? Naaaah... I don't believe that you marry a poor woman like her!" Landi pa rin ni Angela
"Watch your mouth woman!! Get lost while I can still control myself or else!" Banta ni kuya
Matalim siyang nakatingin kay Angela habang lihim ng napapayukom ang kanyang mga kamay.
Kunot noo lang ako habang napapailing na nakatayo dito sa tabi nila. Pinapanood ko lang sila habang nakasandal sa railings ng veranda.
"Why? I'm just telling what I see! At parang totoo yata ang mga usap-usapan sa social media! Na she's using her son to make you feel pity on her until she can get a money from you??!" Humawak ulit siya sa braso ni kuya pero tinulak siya nito
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...