𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 30

1.9K 17 0
                                    

🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥

"Kuya have you asked Mori about what Angela told her?" Tanong ko kay kuya habang nag-iinuman kami sa labas ng cottage

Gabi na pero narito pa rin ako sa kanila.. Haha Sabing sasaglit lang ako pero nakaistorbo pa yata ako sa kanila. Bahala na sila basta ako iinom lang ng alak. Bukas na ako bibyahe papuntang site!

"Not yet. Natulog siya eeh kaya hindi ko na nagawang tanungin si Mori. Siguro bukas na lang.." Saad niya sabay tungga ng alak

"Bakit ba kasi sumulpot pa yun? Hays! Kung lalake lang yun nung isang araw pa yun pinaglalamayan!" Asar kong turan

"Haha.. Kapatid nga kita! You're always at my side. Salamat!" Saad ni kuya kaya tumango ako

"Cheers kuya. For the peace of mind!" Tinaas ko ang baso ko

"Cheers!" Sabay lapit ng baso niya

Nagkukwentuhan lang kami ng dumating si Mori hawak ang isang baso ng gatas.

"Malalasing ka na naman niyan,huwag mong sabihin na mag-aalaga ako ng may sakit habang nasa bakasyon??" Turan ni Mori kay kuya

"Haha.. Hindi mangyayari yan baby I swear.. Kunti pa lang naiinom ko." Sagot ni kuya sabay hila kay Mori paupo sa lap niya

"Grabe isipin niyo naman ako dito! Lakas niyo mambully sa single aah!" Biro ko sa kanila kaya nagtawanan kami

"Ano ba Quintin may upuan naman kasi eeh.. May iniinom pa ako!" Suway ni Mori

"Okay.. Drink your milk and sleep after!" Pinaupo na niya si Mori sa katabi niyang upuan

"Hoy Reed akala ko ba bibyahe ka pa ngayon??" Turo sakin ni Mori

"Bakit bawal bang maki overnight kahit ngayon lang?? Don't worry behave ako,hindi mang iistorbo. Hehe" saad ko

Napangiwi ako ng maramdaman pagsipa ni Mori sa may binti ko.

"Aray ko naman.. Kuya oh naninipa! Ayaw lang may kasamang iba eeh!" Hirit ko pa

Napatawa na lang kami sa reaction ni Mori. Umismid siya at hindi na maipinta ang mukha. Hahaha talo talaga sa asaran ang babaeng to.

"Tama na yan.. Mamaya yung tsinelas ang tatama sayo Reed sige ka!" Natatawang turan ni kuya napahagalpak ako ng tawa

"Pinagtutulungan niyo na ako aah!" Sumimangot si Mori pero tumawa pa rin kami

"Sige papasok na ako,matulog kayong dalawa dito sa labas ha?!" Banta niya habang naka turo sa amin ni kuya

Mabilis pa sa alas kwatro na tumigil kami ni kuya sa pagtawa. Pero napakasakit na talaga ng tiyan ko sa pagpipigil ng tawa.

Para siyang isang nanay na nanenermon sa mga anak. Asar na asar ang mukha niya.

"Sige tumawa pa kayo! Masamid kayo kakatawa niyo jan. Naku bahala kayong irevive ang isa't isa! Anak kayo ng nanay niyo!" Inis na inis niyang saad

Napatigil ako ng sabihin ni Mori ang huling salita niya. Napatingin ako kay kuya. Sumeryoso ang mukha niya tsaka biglang tumawa kaya napasabay na rin ako.

"Ofcourse baby anak talaga kami ng mommy namin siya nagluwal samin eeh!" Hirit pa ni kuya

Padabog na tumayo si Mori sabay halukipkip at matalim na tumingin tumingin kay kuya.

Talagang malaki ang pinagbago ni kuya.. Simula nung naging sila ni Mori. Dati rati kapag naririnig niya ang tungkol o pangalan nina mommy ay nalulungkot na siya at nagkukulong na sa kwarto. Pero ngayon hindi na,tanggap na niya totally.

"Umm.. Mori can I ask you something?? No offense meant ha?" Tanong ko at tumango naman siya

"What happened when Angela talked to you?" Tanong ko

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon