𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 15

2.6K 31 0
                                    

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

   Gaya ng usapan namin ni Reed alas otso ay naroon na siya. Mas maaga kong sinundo ang mag-ina para maaga din akong makapunta sa farm.

   "KUYA HUMANDA KA PAGKATAPOS NG ARAW NA ITO!!" sigaw ni Reed mula sa itaas ng niyog

  "MOVE FASTER! TALO KA PA NG MAS BATA SAYO JAN SA TAAS!" sigaw ko pabalik pero ang loko naupo siya sa kawayan na ginawa nilang tulay para maayos silang makapagharvest sa taas.

  "KUYAAAAAAA!!! HINDI KO NA KAYA!" 

"ILANG ORAS KA PA LANG JAN AAH! WALA PANG TANGHALIAN! AFTER THAT PWEDE KA NANG MAGPAHINGA!"

  "SABI MO YAN AAH.. KUNG HINDI ISUSUMBONG KITA KAY LOLO!"

   Nagtawanan ang mga tauhan namin na nakakarinig sa pagmamaktol ni Reed sa taas.

  Akala niya siguro hindi ko tototohanin ang mga ginagawa niyang deal.

   Pagsapit ng tanghalian ay nagsibabaan na ang mga tauhan namin para magsikain at magpahinga.

  "Kuya you're killing me!" Saad ni Reed ng makalapit sa akin

"I'm not! Ikaw ang nakipagdeal tapos ngayong talo ka,susuko ka naman sa consequence ng kagagawan mo?!"

  "Madali lang naman kasi ang nasa isip kong ipagawa sana sayo kung sakali! Tapos ikaw halos mamatay na ako sa parusa!"

  "Hindi yun madali para sa akin Reed! Alam mo naman ang plano ko pagdating sa ganoong bagay!"

"Oo na.. Basta makakauwi na ako aftr neto kuya! Ang sakit na ng katawan ko!" Reklamo pa niya kaya tumango na lang ako.

  Umuwi na nga siya after eating pero hindi ko inaasahan na makalipas ang isang oras ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Mori..

  "Hello?"

"Umuwi ka at alagaan mo ang kapatid mo!" Bungad agad ni Mori

"What?? Bakit ako? Nanjan ka naman at isa pa anong nangyari sa kanya??"pagtataka ko

  "Nagkasakit dahil sa parusa mo sa kanya! Alam mo namang hindi sanay sa ganun kabibigat na trabaho peri pinagawa mo pa rin!"

  Hayan na naman ang taga sermon sa amin.  Minsan talaga para na siyang nanay namin kung umasta.

"Kasalanan niya bakit kasi nakipagdeal pero hindi niya rin kakayanin!"

  "Ano ka ba naman Quintin... Hays! Sakit sa ulo...  Umuwi ka na lang please... Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko dito! Si lolo may sakit kaya binabantayan ko. Walang kasama ang mga bata tapos nagkasakit din si Reed.." Halata ang pagod niya sa kanyang boses

   Bakit nagkakasabay-sabay pa sila?

"Okay.. Uuwi na.."

  Nagpaalam na lang ako sa mga tauhan para umuwi. Babalikan ko na lang sila mamayang hapon.

   Pagdating ko sa bahay nadatnan kong nagmamadali sa pag-akyat sa hagdan si Mori.

  "Mga bata??" Tanong ko na ikinatigil niya

"Nasa kwarto ni Zane,pakitignan muna sila kasi sinusundan nila ako minsan baka mahawa sila kay lolo. Parang magkakatrangkaso eeh."  Saad niya at pinagpatuloy na ang pag-akyat

   Tinungo ko na ang kwarto ni Zane at naroon ang dalawang bata na parang matamlay.

  "Kids bakit ganyan kayo??"

"DADA!!" Patakbo silang lumapit sa akin at yumakap

"Dada Mi is ignoring us! She always told us to go inside the room!"

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon