𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 21

2.2K 20 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

  Gaya ng dati maaga pa rin akong nagising para magluto ng breakfast pero bago ako tumayo sa kama ay inabot ko muna ang phone ko para tignan kung may message ako.

   May two missed calls at five messages kaya binuksan ko ang mga text.

Si Patricia ang pinaka close kong nurse sa hospital.

"Girl have you seen the news??"
"Viral ka ngayon girl ay hindi kayong pamilya!"
"Si mr. Dela Tore pala ang ama ng anak mo,hindi mo man lang sinabi!"
  "Totoo ba talaga?? Pero alam mong sikat pero misteryoso na tao ang kasama mo kaya hindi nawawala ang bashers!"
  "Malakas ka naman di ba? Kaya mo yan. Malalagpasan mo din ang mga ito!"

   Halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Sa mga nabasa kong text ni Patricia ay may hindi na magandang nangyayari..

   Huminga ako ng malalim at lakas loob kong binuksan ang social media account ko.

  Nagbrowse lang ako saglit hanggang sa mapatakip na lang ako ng bibig.

   Photos namin ni Quintin tapos yung iba kasama na namin ang mga bata.

  Samo't saring mga komento ang nababasa ko. May mga maganda,pangit at worst comments na nabasa ko. Pero ang hindi ko lang matanggap ay ang sabihan nila akong malandi, gold digger,manggagamit at pati daw bata ginagamit ko para lang makuha si Quintin Dela Tore.

   Wala naman akong ginagawang masama pero bakit ganito ang ginagawa nila sa amin??

<Isang hamak na nurse lang naman pero nagustuhan ng isang Dela Tore? Ano kaya ang pinakain niya para magustuhan siya ni Quintin??!

<Ang landi naman,pinapaako niya sa isang mayaman ang anak para makaahon sa hirap!

<Hindi na naawa sa bata!!

<kawawa ang bata napaka cute pa naman pero ginagamit lang ng ina!

    Napakaraming bad comments akong nababasa kaya halos hindi ko na mabasa ang iba dahil sa mga luhang kanina pa naglalandas sa aking mga pisngi.

   Napakasakit pala!! Akala ko kaya ko silang harapin.. Nagkamali ako! Dinudurog na ako ng mga salitang nababasa ko galing sa iba't ibang tao!!

   Tahimik lang akong umiiyak habang nakapatong ang aking noo sa mga tuhod ko. Nilapag ko na sa kama ang phone ko dahil hindi ko na kaya pang makita ang iba.

   Hindi ko na din inintindi ang pagbukas ng pinto at may yumakap sa akin. Si Quintin! Kahit di ko tignan alam ko na.

"Sorry.. Tahan na!" Malambing niyang turwn habang nakayakap sa akin.

  Lalo lang akong napaiyak ng magsalita siya. Kaya inangat niya ang mukha ko.

"Stop crying baby. Makita ka ng mga bata,mag-aalala din sila sayo."

"Q-Quintin masama ba ako?" Mahinang tanong ko

"Ofcourse not. Ako ang lumapit sayo hindi ikaw. Kaya huwag mong papakinggan ang sinasabi nila sayo. You're a good person kaya kita nagustuhan."

"Pero bakit ang sama ng tingin ng mga tao sakin? Pati si Ax nadadamay na!"

  "Sorry di ko na napigilan ang pagkalat neto!" Saad pa niya sakin pero ngumiwi ako

"Hindi mo naman kailangang magsorry dahil wala ka namang ginawang mali. Ang mga taong mapanghusga ang may problema!"

  "Tahan na.. Sa kwarto ka na lang muna baka magising ang mga bata,makita ka sa ganyang sitwasyon mo. Halika na!"

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon