🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥 ::"Good morning!!" Bati ko kay Mori at lolo habang nag-uusap sa garden at nagkakape
"Good morning!"
"Morning!"
"Si kuya? Mga bata??" Tanong ko kay Mori
"Nasa kwarto pa,tulog pa silang tatlo!"
"I saw them last night.. Para silang totoong mag-aama! Haha"
"Nagulat nga ako kasi ikaw ang iniwan kong kasama ng mga bata tapos nung icheck ko sila bakit si Quintin ang nasa gitna nila?" Takang tanong ni Mori kaya natawa kami ni lolo
"Iha mukhang istrikto lang ang apo kong yun pero mahilig sa bata yun! Simula kasi ng mawala ang mga magulang nila ay doon din nag-iba ang ugali niya.!" Kwento ni lolo
"Yup. Palangiti si kuya noon at showy siyang tao. But after our parents passed away pati mga ugali niyang yun ay nawala na din. " dagdag ko din sa sinabi ni lolo
"May pagkaistrikto nga po siya pero pasaway naman kapag may sakit!"
Nagtawanan kami ni lolo.
"Mabuti nga yun iha baka sakaling bumalik na ang dating Quintin. Talagang ganyan siya may pagkapasaway pero mabait talaga siya." Ani pa ni lolo
"Pero nakakainis lang po kasi lo eeh.. Siya na nga ang inaa-" naputol ang sinasabi ni Mori at napatingin siya sa harapan
Naroroon pala si kuya buhat si Ax at hawak niya sa kamay si Zane.
"Ayos kuya aah! Bagay mo! Hahaha!" Pang asar ko kay kuya
Nginisian niya lang ako tsaka sila lumapit sa amin.
"Good morning Mi! Lolo at tito!" Bati ni Ax sa amin at ganun din ang ginawa ni Zane.
Hinalikan pa sila ni Mori sa noo. Kinuha niya si Ax kay kuya pero inilayo niya ang bata.
"No. Sakin muna si Ax!" Saad ni kuya habang nilalayo si Ax.
"Ano ba! Akin na rin si Ax. Katabi mo na siya magdamag eeh!" Reklamo ni Mori
Natatawa na lang kami ni lolo habang pinapanood ang dalawa na nag-aagawan sa bata. Binuhat ko na lang din si Zane at pinaupo sa lap ko.
"Manood muna tayo baby kung sino ang mananalo sa kanila!" Natatawang bulong ko sa bata
"Dada,Miiii stop! Nahihilo na po ako!" Hiyaw ni Ax habang tawa ng tawa
"Ano ba Quintin yung bata!" Pagalit ko pero nginisian niya lang ako
"Akin na muna kasi si Ax,di ba baby??" Tumango naman si Ax na ikinatigil ni Mori
Padabog siyang lumapit sa mesa namin kanina at pabagsak na umupo.
"See?? He loves your son!" Bulong ko kay Mori
"Akala mo lang yun!" Inis niyang sagot
"Tama na yan. Umupo na kayo at kumain. May kanya-kanya pa tayong trabaho ngayon!" Saad ni lolo kaya umupo na rin sina kuya.
"Aalis ako ngayon lo. Out of town! May kailangan akong tignan sa site!" Paalam ko
"Sa taniman ako ngayon ng pinya lo,kayo ba?" Tanong naman ni kuya kay lolo
"Sa rancho ako ngayon bibisitahin ko lang ang mga kabayo!" Sagot naman ni lolo
Nakita kong busangot ang mukha ni Mori pero lumapit siya kay kuya at may binulong. Tumango naman si kuya.
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...