🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Time flies so fast... Maayos ang takbo ng lahat..
Akala namin wala nang problema pero nagkamali kami ni kuya.
Mori still didn't know anything about the woman that kuya seeking for how many years.
Nanatili kaming tahimik ni kuya dahil ang akala namin ay hindi na magpaparamdam si Angela dahil inutusan na noon ni kuya si Victor na huwag iparating kay Angela ang natuklasan nila.
Kaso isang araw pinatawag ako ni kuya sa opisina niya. Akala ko kung ano na pero talagang malala nga.
Kuya gave me an envelop with a letter inside it.
Pati ako ay hindi alam kong ano ang iisipin. Kung ano ang sasabihin.
Yung sulat ay galing pala kay Angela. Nangangamusta lang naman siya ayon sa nabasa ko wala ng iba.
Kaso hindi namin maiwasang kabahan sa pagpapadala ni Angela ng letter.
Ngayon ay narito ulit ako sa opisina ni kuya. Bumiyahe pa ako ng ilang oras papunta sa kanya mula sa site kung saan ang trabaho ko.
Gaya nung una at pangalawa ngayon pangatlo na. Every other day nagpapadala ng sulat si Angela. Kaya ngayon aburido na si kuya.
Kung nung una ay nangamusta lang. Sa pangalawa parang love letter na with a picture of her. Tapos ngayon naman picture na nila ng bata tapos sa sulat sinabi na niyang dadalaw daw siya sa opisina ni kuya pero hindi niya sinabi kung kelan.
Aburido na si kuya kung ano ang gagawin kaya pinatawag na naman niya ako.
"Damn! It's turning me crazy!!" Bulalas ni kuya bago hinampas ang mesa niya
"Kuya kumalma ka muna bago tayo gumawa ng plano. " awat ko sa kanya dahil namumula na siya sa galit
"How?? What if mamaya nariyan na siya?? What if one day bibisita si Mori dito tapos sakto ang pagdating niya? What if malaman niya ang bahay natin??"
"Kuya walang mangyayari kung puro na lang tayo what if dito. Kama bago natin pag-usapan ang pwede nating gawin."
"Sinabi na sa akin ni Mori na sasama siya sa akin dito sa opisina. Paano na??!" Alalang tanong niya
Naku po! Naka plano na pala si Mori.
So ang kailangan muna naming gawin ay pigilan si Mori dahil baka magkasabay pa sila.
"Okay kuya hear me out! May naisip ako!"
"Ano yun? Seryosohin mo lang kundi malilintikan ka!" Banta pa niya sakin kaya ngumiwi ako
"Ang kailangan muna nating gawin ngayon ay pigilan muna si Mori na pumunta dito sa kompanya. Para maiwasan ang paghaharap nila." Saad ko
Tumitig pa ng ilang sandali si kuya sakin tsaka tumango-tango.
"Pwede. Pero para hindi siya magtaka I need to stay muna sa hacienda. No choice but to stock my paperworks here."
Segunda naman niya kaya tumango kaming dalawa"That's right kuya.. Mahirap na.. Kailangan muna nating mag-isip ng paraan para pigilan si Angela sa mga balak niya.!"
"Yeah. Habang nasa hacienda ako iyan ang isang tututukan ko."
Tumango na lang ako kay kuya.
"Ah kuya,gutom na ako.. Manlibre ka naman jan pangparelax lang ng utak! Hehe" saad ko sabay tayo
"Tara bago tayo umuwi!" Saad niya at nauna ng naglakad palabas
Sumunod na lang ako sa kanya tutal siya naman ang taya .
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...