🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
"MORI!! MORIIII!!!"
Napabalikwas kami ng bangon ni Quintin dahil sa gulat.. Nagtinginan pa kami bago siya tumakbo sa pinto.
Sunod-sunod na katok at tawag sakin si Reed parang may nasusunog kaya ganun na lang ang taranta ni Quintin.
"May nasusunog ba,??!" Tarantang tanong ni Quintin
"Anong meron??" Sabat ko din habang papalapit sa kanila
"Wala.. I just received a call a while ago!"
"What?! Yun lang nambubulabog ka na??!" Inis na sambit ni Quintin kaya hinawakan ko siya sa braso.
Minsan talaga to mainitin ang ulo lalo na kung hindi maganda ang gising.
"Kuya naman eeh.. Galing sa laboratory ang tawag! Diba,it's been more than a week when we do the test?!"
"What?!/Sigurado ka??" Sabay naming banggit ni Quintin ng marinig namin yun.
"Ano daw ang sabi??"
"Ipapadala na lang daw nila dito ang result today kaya hintayin na lang natin na dumating."
"Sige.. Maghihintay tayo!" Saad ko na lang habang naka tingin sa asawa ko.
"Sige mauuna na ako sa inyo,tatawagan ko lang ulit ang doctor kung anong oras ipapadala!" Sambit pa ni Reed bago kami iniwan.
Halata din ang excitement sa mga mata niya habang nagsasalita kanina pero kabaliktaran kay Quintin. May lungkot at paghihinayang na naman sa mga mata niya..
"Tara na sa baba??" Malmbing kong tanong pero ngumiwi siya.
"Mauuna ka na.. Sunod na lang ako.." Hayan na naman siya.. Magkukulong na naman ng ilang oras bago lumabas.
Ganyan lagi ang ginagawa niya simula ng malaman niya ang tungkol kay Reed at Ax sa isla. Nagkulong siya sa kwarto ng dalawang oras yata yun.
Tapos kapag binibiro siya ni Reed sumasabay naman siya pero nahahalata ang mabilis niyang pagkainis.. AT nung araw na ginawa ang test pagkauwi niya ay diretso na naman sa kwarto at walang imik na nanatili sa kwarto..
Naaawa din ako minsan pero wala naman akong magawa. Lagi niya akong pinapaalis sa tabi niya tuwing gusto ko siyang samahan sa pagkukulong niya.
"Quintin..."
"Just go baby.. Susunod na lang ako.."
Wala na akong nagawa pa kundi ang tumango. Humalik na lang muna ako sa pisngi niya bago ako lumabas ng kwarto.
Sa kwarto ako ng mga bata dumiretso at nadatnan ko naman silang kagigising lang..
"Good morning mommy!!"
"Good morning mommy,si daddy po?"
"Sa kwarto baby.. Tara na sa dinning na tayo?" Sagot ko sa kanila
"I want to see daddy,want to come kuya?" Tanong ni Ax kay Zane
"No.. I'm hungry already,sama na ako kay mommy..!"
Sabay na kaming tatlong lumabas pero iniwan na namin si Ax sa kwarto ni Quintin..
Masyadong naaattached si Ax kay Quintin habang tumatagal. Tapos si Zane naman ay sakin.. Siguro dahil sa walang kinalakhang ama si Ax at ina naman kay Zane..
"Careful baby.." Saad ko kay Zane habang naglalakad na kami sa hagdan..
"Okay mommy.."
Dumiretso na nga kami sa kusina at ginawan agad ng gatas si Zane..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...