🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥kinabukasan nga ay nagsipaghanda na rin kami para sa paghaharap namin.
"Baby are you ready??"
"Yes always! I can't help my eagerness anymore to face that crazy woman!" Gigil na sambit ni Mori
"But remember the plan baby.. Huwag magpadalos-dalos okay?? Kailangang makuha muna natin si Ax tsaka kayo magpakita,hmm??"
"Oo na!! Heto na naka handa na ako.."
Napangiwi na lang ako ng inirapan niya ako sabay talikod sakin. Hays!
Sumunod na lang ako palabas at naroon na nga sila,ako na lang ang hinihintay..
"Tara na!" Aya ko at nagsipasok na sila sa van.
Ako ang humiwalay ng sasakyan dahil hindi pwedeng may makakita sa aming lahat.
Ako lang kasi ang gustong makita ni Angela, ayaw sana ni Mori pero para naman sa anak namin kaya pumayag din sa huli..
Hays! Sana naman kung ano man ang gawin sakin ng baliw na yun, huwag naman akong awayin ng asawa ko pagkatapos..tsk!
Hindi naman kalayuan mula sa bahay nila Charlie ang lugar na sinabi nung baliw at alam yun ni Charlie kaya mabilis lang ang plano..
Isa yung abandonadong building na apat na palapag lang.. Malayo sa mga kabahayan, maayos na rin yun para iwas sa mga posibleng madamay na inosente..
Pagdating ko sa lugar ay may gate pa pala yun na mataas. Hindi kita ang nasa loob..
Wala na rin sina Mori. Bumusina na lang ako at may nagbukas nga sa gate.
Isang armadong lalake..
Siraulo ba sila?? Lintik na mga to! Bata yung hostage nila!
Patay ka sakin baliw ka once na may mangyari sa anak ko!!
Bumaba ako sa kotse at kinapkapan ako ng iba pang armadong lalake..
Sa tancha ko siguro nasa bente silang narito sa labas..
Pinapasok na ako habang nakatutok sakin ang kanilang baril..
Sa loob may lima akong nakitang lalake hanggang sa umakyat kami at umabot sa ikaapat na palapag..
"Sige pasok na sa loob!" Tinulak pa ako ng lalake kaya binuksan ko na ang pinto at sinara yun.
Hinagilap ng mga mata ko si Ax hanggang sa makita ko sa gilid na naka higa.
Kinilabutan ako ng makita ang itsura niya! Jusko! Para siyang lantang gulay..
Patakbo akong lumapit sa kanya at kinandong..
"Baby.. Baby wake up.. Daddy is here!.. Anong ginawa nila sayo??.. Anak narito na si daddy.."
Pilit kong niyuyugyog si Ax pero hindi ko na magising.. Natatakot na ako at naiiyak sa sitwasyon ng anak ko.
Napakarami niyang pasa sa katawan!! Bakit kailangang umabot sa ganito??!!!
Inilapag ko sa may karton si Ax na ginawang higaan niya..
"Aaaah!! Angela lumabas ka hayop ka!!" Sigaw ko sa loob sabay tadyak at pinagbabato ang mga nakikita kong kahoy o ano pa man na nasa loob..
"ANGELA NASAAN KA!!"
Binasag ko rin ang mga bintana at alam kong nakikita na ng mga kasama ko yun..
Nagwawala lang ako sa loob pero wala pa rin si Angela hanggang sa mahimasmasan na ako..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...