𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 47

1.7K 15 0
                                    

🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥

Hindi ko alam kong paano ko pa itatago ang lahat.. Awang awa na rin ako kay Quintin..

Ramdam ko naman siya pero ginawa ko lang naman yun dahil ayokong mas masaktan siya kung sakaling nag-negative yun..

Ngayon pa nga lang na si Reed ang sumalang sa test at negative ay kita ko na kong paano siya nalungkot at nanlumo..

How about na lang kung siya mismo yun??

  Kaso hindi ko na talaga kaya pang maglihim pa kay Quintin..

  Ramdam ko si Quintin kaya mas mabuti na lang sigurong sabihin ko na ang totoo..

"S-saglit lang Quintin..." Lakas loob kong pigil sa akmang pag-alis ni Quintin kasama si Ax

  Tumigil naman siya tsaka kunot noong humarap sakin..

"Why??!"

"Bumalik ka muna dito,saan mo dadalhin si Ax??" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.

Iba na naman ang mood niya... Kaya mas lalo akong nag-alala na baka magalit siya sakin pag sinabi ko na..

"Maiwan ko muna kayo di-"

"Hindi.. Walang aalis!"  Madiin kong turan tsaka nagbuntong hininga

Bumalik naman si Quintin at ayaw niya talagang bitawan si Ax.. Kinandung pa rin niya ang bata..

"For what?? Are you going to say something?!"

  Heto na nga ang sinasabi ko. Nagsisimula na siyang mainis..

"Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo ang lahat.. " nakayukong panimula ko.

  Kailangan ko ng magsalita.. Pero hindi ko mapigilan ang matinding kaba na nararamdaman ko kaya halos pigain ko na ang isang kamay ko para pigilan lang ang panginginig ko.

"What do you mean??" Seryosong tanong ni Quintin

"Anong hindi mo sinabi ang lahat Mori??"  Nagtatakang tanong naman ni Reed

"About sa files ng posible dad ni Ax!" Naiiyak ko ng sambit

"Quintin s-sorry... hindi ko na kasi kaya pang nakikita kang ganyan eeh.. I'm so sorry!"

  Tuluyan na akong napaiyak kaya mas naguluhan ang ekspresyon ni Quintin ganun din si Reed na halos magdikit na ang kanyang mga kilay.
 
  "Mommy..." Naiiyak na ring saad ni Ax

"Mommy is crying.." Alalang turan ni Zane tsaka humawak sa kamay ko

  "Come here baby.." Saad ni Reed kay Zane kaya lumapit sa kanya ang bata

  "Tahan na baby.." Pagpapatahan ni Quintin sa bata

"Sige.. Magsalita ka mamaya kapag nahimasmasan ka na.." Madiin at malamig na tono na sambit pa ni Quintin

"Kuya huwag namang ganyan.."

   Hindi na ako sumagot.. Nasasaktan na ako ngayon pa lang paano na lang mamaya??
  
"Mag-uusap tayo mamaya ihahatid ko lang sa taas ang mga bata! You stay here!"

"Zane come here,let's go upstairs!" Aya na niya sa bata

"But mommy is crying.." Naguguluhan na din si Zane kung lalapit ba sakin o hindi

"I said let's go!"

"Daddy I want to stay with mommy.." Umiiyak pa ring turan ni Ax

"Kids later okay?? I need too talk to mommy first.. And kids are not allowed.." Mahinahong paliwanag pa niya sa mga bata

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon