🅡🅔🅔🅓 🅟🅞🅥
Kanina pa ako hindi mapakali.. Kami na kasi ni Ax ang susunod na magpapakuha ng saliva samples para sa DNA test..
"Hoy umupo ka nga para kang ewan jan!" Suway sakin ni kuya kaya napatigil ako at humarap sa kanya..
"Kinakabahan ako kuya.. Haha kung magpalit na kaya tayo??" Biro ko sa kanya
"Nasisiraan ka na ba?? Alam mong ikaw nga ang isa sa choices eeh.. Kung pwede lang sanang ako na lang eeh,kanina pa kita pinalayas dito!" Grabe,lumalaban na aah.. Hahaha Sabagay gustong-gusto niya talaga..
"Hehe.. Biro lang.. Pero syempre sigurado naman ako na pamangkin mo siya.. Hahaha"
Lalapitan na sana ako ni kuya ng lumabas ang isang doctor.
"Mr. Dela Tore and mr. Cruz??"
"Tama na yan.. Pumasok na kayo Reed!" Awat samin ni Mori habang buhat si Ax..
"Pasok na po kayo!" Aya ng doctor kaya pumasok na kaming lahat
Mabilis lang naman ang proseso kaya mabilis lang kaming natapos..
"Tatawag na lang po kami kapag lumabas na ang resulta.." Saad ng doctor pagkatapos namin
"Ilang araw bago lumabas ang resulta??" Seryosong tanong ni kuya
"Depende po kong maipa-process agad pero hintayin niyo po mga dalawang linggo po."
Nagsitango na lang kami tsaka nagpaalam na sa doctor..
🅜🅞🅡🅘🅢🅔🅣🅣 🅟🅞🅥
Tapos na ang test at maghihintay pa kami ng dalawang linggo..
Parang napakatagal pero wala naman kaming magagawa..
Sa ngayon may kailangan din akong gawin...
Kanina pa kami naka uwi ng bahay pero dumiretso ako ngvkwarto dahil parang gindi maganda ang pakiramdam ko..
Lumabas ako para tignan ang mga bata pati na rin si Quintin..
"Ano ba yan.. Nangangamoy mabaho!! Ano bang amoy yun!!"
Napatingin ako sa gilid ko ng makita si Angela na napaptakio pa ng ilong
"Bakit??" Tanong ko sa kanya pero umatras siya palayo ng akmang lalapitab ko
"Don't come close to me! Hindi mo ba yun naaamoy??" Maarte niyang tanong kaya napasinghot singhot pa ako para maamoy kong ano man ang naaamoy niya.
"Amoy mahirap na pilingera't assumera.. Akala mo naman kong siya na ang may-ari ng lahat ng ari-arian ng mga Dela Tore!"
Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko kaya uminit agad ang ulo ko..
Napapikit na lang ako habang napakuyom ako ng mga palad sabay buga ng hangin.
"Maghintay ka lang dahil palalayasin kita dito!! Ikaw ang problema sa pamamahay na ito Angela!!" Mahina ngunit madiin kong banta.
"Huh! Bakit hindi na lang ikaw ang lumayas dito?? Dalhin mo ang sampit na bastardong anak mo!"
PAK !!
"Mori!!"
Nanggigigil ako ng sobra.. Gustong-gusto ko na talagang ilampaso sa sahig ang mukha ng babaeng to..
"Walanghiya kang babae ka!!" Sigaw na sakin ni Angela habang tumatayo sa pagkatumba niya.
Oo,natumba siya dahil sa lakas ng sampal na pinatikim ko sa kanya..
BINABASA MO ANG
The Haciendero's Heir
RomanceSi Morisett ay isang simpleng babae lamang. Isang nurse sa isang tanyag na hospital sa kanilang probinsya. Pero dumating ang isang pangyayaring hindi nila inaasahan. Ang maging isang ina kahit wala siyang naging karelasyon. Dahil lamang sa accid...