𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 40

1.7K 16 0
                                    

🅠🅤🅘🅝🅣🅘🅝 🅟🅞🅥

Maaga kaming nagising ni Mori dahil mahaba-habang byahe ang mangyayari mamaya.

Yung sasakyan ang gagamitin namin hanggang sa makarating kami sa lugar pero kailangan ulit naming sumakay sa yate patungo sa isla..

Wala naman ng problema dahil nasa ayos na ang lahat.. Kami na lang ang hinihintay..

"Mori is everything's ready??" Tanong ko sa hindi magkanda ugaga sa pag-aayos ng sarili.

"Yes. Ibaba mo na lang mga luggage natin." Saad niya habang busy sa pag-aayos ng buhok.

"Mommmyyyy!!" Bungad ni Ax sa pinto

Yumakap siya ng mahigpit sa mommy niya.. Alam kong ngayon pa lang sila maghihiwalay na mag-ina kaya kahit gusto kong isama na agad ay hindi pa pwede.

"Baby ko...mamimiss ka ni mommy..."  Saad ni Mori na naiiyak na

"Me too mommy.. But we can follow there right?" Paniniguro pa ng bata

"Yes my love.. Your tito Reed will send you and kuya Zane to the place where we're daddy ang I going.. So behave while we're not around,okay?"

Tumango-tango naman si Ax tsaka humarap sa akin.

"Daddy... Take care of mommy.." Turan niya habang naka yakap sa binti ko

Yumuko ako para mapantayan siya.

"Yes baby I will.. Remember your request yesterday??" Bulong ko sa kanya na ikinatango niya

"Yes daddy.. Can I have??" Balik bulokng niya din kaya ngumiti ako

"You can but you need to stay here mauuna kami ni mommy sa island. And after few days you can follow us there,is it clear??"

"Yes daddy!" Patango tango niyang turan

"Anong pinagbubulungan niyo jan?!"

Napaayos ako ng tayo ng makalapit na sa amin si Mori. Habang naka bungisngis naman si Ax.

"Your promise daddy.." Turan pa niya

"Yeah..yeah..."

"Ano yun baby?" Tanong naman ni Mori sa anak pero ngumiwi at tumawa lang siya

"Don't ask him. It's a boys talk,right son?"

"Yes daddy!"

Napapailing na lang si Mori habang nakamasid sa amin. Hahaha kampi na sa akin si Ax, hindi na lang sa kanya.

Binuhat ko na si Ax palabas ng kwarto. Habang buhat ko sa kabilang kamay ang isang luggage,at kay Mori naman yung isa.

Pagdating namin sa garahe ay nakita na namin si Reed at Zane sa may kotse.

Nakapagpaalam na rin naman kami kanina kay lolo.

"Paano ba yan.. Susunod na lang kami dun after two weeks!" Turan ni Reed habang inaayos sa loob ng kotse ang mga luggage namin.

"Oo kaya ikaw muna ang bahala sa mga bata, bantayan mo silang mabuti!" Bilin ko kay Reed

"Oo,ako pa! Sige na, lumarga na kayo. Mahaba pa byahe niyo!" Tinapik tapik ko ang balikat ni Reed tsaka kami nagtanguan.

"Behave kids ha?? Mommy will miss you so much! Bye bye!" Paalam ni Mori sa mga bata

"Opo mommy.. I miss you already!!"

"Ako din po.. Mag-iingat po kayo."

Nagyakapan pa silang tatlo. Ilang minuto niya pang yakap ang mga bata bago tuluyang binitawan. Hay naku,parang hindi na niya makikita eeh..

The Haciendero's HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon