RONALD'S POV.
Hello everyone! Ako nga pala si Ronald DeLeon, ang pinaka makulit at mapang-asar na kaibigan ni Aki at Ayesha! Hahahahaha. Eh pano ba naman. Napakasarap lang talaga nilang asarin, affected kase sila lage XD
Anyway, nandito na ako sa gate ng school namin, nang may marinig akong iritan ng girls. Tsk tsk kahit kailan talaga napaka popular ko sa mga girls. Haha *wink*
"Aray!" Sigaw ko ng may dumali sa tagiliran ko.
"Sorry Bro!" Tsk. Si Aki nanaman pala, tuwing umaga na lang lagi nya akong nadadanggi ng bike nya.
"Kyaaaa~ Aki sandali lang!!!!!" Sigaw ng mga girls habang hinahabol si Aki.
Hayyy, oo na, wala akong mga fans, lahat ng yun ay fans ni Aki, pero di naman masamang mangarap diba? Hahahahaha XD
Nagising ako sa daydreaming ko ng may kumulbit sa likod ko at pagtingin ko ay si Ate She pala at ang mga kaibigan nya!
"Oh! Good morning Ate She!" Bati ko.
At ang reply nya ay isang nanlilisik na mga mata, *gulp* bakit kaya?
"Hoy Ronald, pagsabihan mo yang si Aki ah! Di ako natuwa sa last conversation namin at tsaka yang mga babae na yan na panay ang buntot sa kanya!" Sabe nya sabay haklit sa kwelyo ng uniform ko.
"Lalong lalo na yung babae na yun!!!!" Dagdag nya pa. Hmmmm?
"S-sinong babae?" Tanong ko at binitawan nya na ang kwelyo ko.
"Tutulungan mo ba ako na pabagsakin ang babae na yun? Sa tingin ko kase, siya na ang pinakamahirap na kalaban ko Kay Aki." Sagot nya.
"E-eh sino ba kase?"
"Hmm? Ayesha ba yun?"
What the! Si Aye?! Napansin nya ang pagkagulat sa muka ko kaya
"Teka? Kilala mo ba sya?" Naku lagot!
"H-hah? H-hindi noh! Wala akong kilala na Ayesha!" Sabe ko at nagkunot noo si Ate She. Nahalata niya kaya?
"Hmmm, Oh sige. Mamayang recess, magkita tayo sa canteen, yung bilin ko tungkol Kay Aki hah? Wag mong kakalimutan!" Sabe niya at umalis na.
Phew! Pano na to? Kailangan ko ng balaan ang dalawa!
Bago ako pumasok ng room, dinaanan ko muna si Aki. Nakita ko siya nagbabasa ng book, sinitsitan ko na lang siya at tumingin naman siya. Sinarado niya ang libro at lumapit sa akin.
"Oh Bro? May kailangan ka?"
"Bro, anong sinabe mo kay Ate She?"
"Hah? Pano mo nalaman yon?"
"Nilapitan nya ako kanina at sabi nya pagsabihan daw kita, galit na galit siya lalong lalo na kay Ayesha."
Nakita kong kumunot ang noo ni Aki at napabuntong hininga.
"Anong gagawin natin Bro? Alam mo naman yun, baka mag-iskandalo dito!" Tanong ko.
"Okay, ganto na lang, wag na wag kang makikipagkita kay Ate She." Sagot nya.
"Eh nakikipagkita nga mamaya sa canteen eh!"
"Ako na lang makikipagkita, basta bantayan mo na lang si Ayesha."
"Naku Bro, kaya mo ba yun? Alam mo namang baliw na baliw yun sayo."
"Basta Ronald, bantayan mo si Ayesha, at titigilan ko na ang kabaliwan ni Ate She."
AYESHA'S POV.
*Yawn* Nakakaantok naman, napaka tahimik kase sa room. Hay, walang maingay, wala pa si Ronald eh. Si Mel naman ayun katext si Clifford, ewan ko ba kung paano nangyare yan, hinayaan ko na lang baka mag-away nanaman kami.