Acquaintance Party

56 3 0
                                    

AYESHA'S POV.


"Bes, anong susuotin mo sa Party?" tanong naman ni bes sa akin habang nakatambay kami sa manggahan.



"Hmmm.. ewan ko pa eh, ikaw?"



"Secret na yun! Hihi." sabi naman ni bes sabay inom ng pepsing hawak niya.



"Bakit di mo nga pala kasama si Clifford ngayon?"



"Magrereport daw kasi sila ngayon, eh hindi sila prepared kaya ayun hindi muna siya magrecess."



"Ah ganun ba." sabi ko na lang. Kaming dalawa lang ni bes ngayon ang nagre-recess. Absent kasi si Ronald ngayon. Nagbibiruan pa nga kami ni bes na baka may sakit siya eh pero sabi ko parang ang imposible naman. Yung lalaking yun? Tablan ng sakit? Eh kahit virus ayaw sa kanya eh XD Hahahahahaha. Sama ko eh nuh?



"Uy bes, nakakarinig ako ng tsismis tungkol sayo ah." sabi naman bigla ni bes.



"Tsismis? Na ano?"



"Na pinopormahan ka daw ni Andy at yun daw ang dahilan kung bakit sila nag break ni Joana." Anak ng siopao! SINO NAMANG BALUGA ANG NAGKALAT NG TSISMIS NA YAN?!



"Naku bes, kwentong barbero lang yan! Lage ko ngang kinakausap si Joana about dyan kay Andy eh. Lage niya namang sinasabing okay lang daw kahit ligawan ako ni Andy.. siya naman daw ang nakipag break kaya daw paninindigan niya yung ginawa niya... pero kahit na sinasabi niya yun sa akin. Hinding hindi ko pa din papatulan yang si Andy noh!" sabi ko naman kay bes sabay kagat sa siopao na hawak ko.



"Bilib din ako kay Joana eh. Akalain mo, kaya ka pa niyang kausapin kahit na ikaw yung tinatarget ng ex niyang mahal niya pa at talagang pinaninindigan niya ang binitawan niyang salita kahit nasasaktan na siya." sabi naman ni bes sa akin. Hmmm.. oo nga nuh. Sana ganun din ako kalakas.



Makalipas ang ilang araw ay dumating na ang araw ng Acquaintance Party namin. Umulan pa nga nung umaga eh, sana di na ulit umulan mamayang gabi.



"Ate Ate! May ka-date ka ba kaya ka nag-aayos?" sabi naman ng kapatid ko habang pinapanood niyang ayusan ako ni mama.



"Tigilan mo nga ako Annie." sabi ko at nakita ko naman siyang tumawa.



"May ka-date si Ate! May ka-date si Ate!" kanta naman ng kapatid ko na may mapang-asar na tono.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon