AYESHA'S POV.
"Kaya naman pala kanina pa ganyan ang muka mo." sabi ni bes habang naglalakad kami papuntang Mcdo.
Kinuwento ko kasi sa kanila yung pag-uusap namin ni Pauleen at yung scene kanina. Pinilit kasi nila ako ni Denny kasi daw kanina pa masama ang timpla ng muka ko. Hay.
"Hindi halata kay Perez na masasabi niya yon. Sobrang tahimik kasi non eh." sabi ni Denny.
"Oo tahimik yon pero nakakatakot yon kapag nagagalit. War freak din yon eh." sabi ni Clifford. At naalala ko noong una kaming nagkakilala. Di ba nga, nag-away kami noon.
"Eh di ba doon nga yon nakilala ni bes, gawa noong sayo noon." sabi ni Mel kay Clifford.
"Oo, masyado din kasing protective yun sa mga kaibigan niya kaya may pagka ganun siya."
"Oh siya, wag na natin siyang pag-usapan." sabi ko sabay lakad ng mabilis para mauna sa kanila.
Nakarating kami sa may malapit na Mcdo at bumili ng foods. Tinext ko na rin sila mama na baka maya maya pa ako umuwi dahil nga kay Joana. Matapos naming um-order ay bumalik na kami sa hospital at nakita namin si Iris doon. Nakaupo siya sa armchair ng upuan ni Aki habang nagkkwentuhan silang tatlo nila Ronald.
Napansin kami ni Ronald na papalapit sa kanila kaya agad niyang sinalubong si Denny para tulungan sa pagbitbit ng mga pagkain at ganon din ang ginawa ni Aki sa akin.
"Salamat bebe loves." sabi niya habang nakangiti at ngumiti lang ako para sumagot sa kanya. Nakita kong naglaho ang mga ngiti sa muka niya at magsasalita na siya nang biglang may pumasok na nurse sa room ni Joana na siya namang naglabas kay Andy.
Lumingon ang lahat sa kanya pero nakatingin siya kay Aki. Unti-unti siyang lumapit kay Aki at nagulat kaming lahat nang bigla siyang lumuhod sa harap ni Aki.
"A-andy." sabi ni Aki at akmang aalalayan si Andy para tumayo pero natigilan siya ng sumigaw si Andy.
"SORRY AKI." sigaw niya sabay yuko sa sahig.
"A-ano ka ba bro. Tumayo ka nga diyan." sabi ni Aki habang lumuluhod na din para alalayang tumayo si Andy.
"No. Walang kapatawaran lahat ng nagawa ko sayo, kahit nga tong pagluhod ko kulang para mapatawad mo ako." sabi niya habang nakayuko.
"B-bro.. ano b-
"Inagaw ko si Pauleen sayo, in-attempt kong kuhanin si Ayesha palayo sayo, sinabihan kita ng kung ano anong nakakainsultong salita. Hindi dapat ganon yon eh, pinangako ko kay Iris na p-protektahan kita, pero ako pa tong puno't dulo ng gulo sa buhay mo. I know sorry is not enough, but it's all I can do for now." sabi niya. So, yung mga panlalandi niya sa akin noon eh para lang inisin si Aki?
"Alam ko at inaamin kong may sama pa din ako ng loob sayo pero bro, handa kong tanggalin lahat ng yon dahil sa ngayon, kailangan mo kami. Kailangan mo kami para damayan ka sa kalagayan niyo ni Joana at kailangan mo kami para ayusin ang sa inyo ni Pauleen." sabi ni Aki na nagpatunghay kay Andy. Nakita ko namang biglang umiyak si Iris.