Tears, Pain and Confession

60 2 0
                                    

NORMAL POV.


Isang normal na araw.



Ayan ang nasa isip ni Ayesha ngayon habang naka-upo siya sa upuan ng swing sa isang park. Nagkayayaan kasi ang magkakaibigan sa ginawang group chat ni Ronald na pumunta dito sa park ngayong araw. Nilibot ni Ayesha ang mga mata niya. Madami daming tao ngayon sa park, medyo malaki kasi ito at maraming pwedeng pagtambayan.



Pwedeng magpicnic, sumakay sa boat at magbike. Napapaisip tuloy siya kung anong una nilang gagawin dito sa park ngayon. Halos mapatalon naman sa gulat si Ayesha nang biglang may tumakip na dalawang kamay sa mata niya.



"Sino to?" tanong naman niya habang hawak ang kamay ng taong nasa likod niya.



"Hulaan mo." sagot nito. Napangiti naman siya at hinampas ang braso nito. Napa "aray" naman ang taong ito at tinanggal na ang pagkaka taklob sa mga mata niya at umupo sa isa pang swing.



"Ang lakas mong manghampas ah." sabi nito habang hinihimas ang braso niya at habang pinapakita niya ang dimple sa pisngi niya with a cute smile. Oh sino pa ba ito? Edi ang taong gustong gusto nitong si Aye!



"Sinira mo kasi yung peace of mind ko." sabi ni Ayesha ng may seryosong muka pero syempre nagbibiro lamang siya.



"Ay sorry naman." sabi ni Aki at natawa lang si Ayesha sa muka nito.



"Hindi mo pa kasama sila Onald?"



"Hindi eh pero sabi niya on the way na daw siya." sabi ni Aki at napa simangot naman si Ayesha na parang di na naniniwala doon sa sinabi ni Ronald na yun.



"Nakita mo na ba si Pauleen?" bigla namang tanong ni Aki pero umiling lang si Ayesha. Napansin naman ni Ayesha na biglang lumungkot ang muka ni Aki.



"May problema ba kayo?"



"Hindi ko nga alam eh."



"Gusto mo bang....... tulungan kita...?"



"Hindi na, okay lang, balak ko nga eh, pasagutin siya ngayong araw sa harapan niyo."



Boom.



Parang may biglang sumabog sa dibdib ni Ayesha ng marinig niya ang mga salitang iyon ni Aki. Napatungo naman siya at ngumiti ng may lungkot sa mata.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon