50

24 2 0
                                    

Hi guys! It's the 50th Chapter! So I decided to named the Chapter '50' (de joke lang, wala lang talaga akong maisip na title XD) Anyways. Palapit na ng palapit ang ending ng love story nila Aki and Ayesha. So kapit lang sa biyahe. Happy Reading!!! :)


AYESHA'S POV.

It's so great to be alive!

Ayan ang mood ko ngayong buong linggo dahil nga sa ako, si Ayesha Cruz ang nag-iisang girlfriend ng prinsipe ng school na si Aki Dimandante!


Grabe sobrang sayang maging girlfriend niya! Lagi ka lang masaya, feeling mo wala kang problema at nakaka less ng stress kasi palagi niya akong tinutulungan sa mga school works ko at syempre walang naglalakas ng loob na awayin ako! Hindi na rin pala namin nababanggit sina Andy at Pauleen sa mga conversation namin. Palagi lang kaming happy sa flow ng relationship namin. Pero syempre hindi ko din naman maiiwasan na hindi maisip na kung ano na nga ba talaga kami ni Aki.


Natatakot akong i-open sa kanya. Eh kasi naman di ba ang saya saya at okay na ang lahat baka kapag nagtanong ako, masira ang "it's so great to be alive" mood ko.


Anyways, nandito kami ni bes ngayon sa mall. Girls hang-out kuno. Eh kasi ngayong parehas na kaming may boylet, hindi na kami nakakapagbonding ng kaming dalawa lang.


"Hoy bes kanina ka pa nakatulala diyan hah. Baka naman hanggang dito sa girls hang-out natin eh kahati ko pa din sa isip mo si Aki?" biglang sabi sa akin ni bes.


"Ano ka ba bes. Hindi no, may pumasok lang sa isip ko."


"Si Aki? -_-"


"Ano ka ba bes. Hindi no, masyado ka namang selosa. Baka mamaya maging problema nyo pa ni Clifford yang pagiging selosa mo." sabi ko sabay higop sa Mc Float ko. Umiwas naman si bes ng tingin sa akin at biglang nanlaki ang paningin niya.


"OMG bes! Si Aki ba yun?" sabi niya pero I just rolled my eyes. Nako, hinuhuli lang ako nito eh.


"Nako bes, tigilan mo na nga yan. Sinabi ko naman sayo di ba? Hindi ko nga iniisip si Aki."


"Hindi bes. Seryoso, parang si Aki nga yon oh. May kasamang babae!" sabi ni bes kaya naibuga ko yung iniinom ko at napatingin sa tinuturo ni bes.


"ANO?! NASAAN?!" sigaw ko at inihanap ko naman ang mga mata ko. "Hindi pwedeng may kasama siyang ibang babae!!!" sigaw ko ulit.


Napansin kong natahimik si bes kaya tiningnan ko siya at nakita kong naka cross arms siya at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa akin. NAKOOOOOO SINASABI KO NA NGA BA AT HINUHULI LANG AKO NITO.


"Sino kaya ang hindi selosa?" sabi niya kaya napatawa na lang ako habang kinakamot ang likod ng ulo ko.


"Ehhh kase naman bes. Natulala lang ako saglit eh. Tsaka syempre naman magseselos ako kung nakita mo nga si Aki na may kasamang ibang babae."


"Oo na oo na. So ano? Tapos ka na ba diyan sa Mc Float mo para makapag shopping na tayo?" tanong ni bes. Tumango naman ako at nagsimula na kaming magshopping ni bes sa SM store.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon