Meeting Otosan!

25 0 0
                                    

Sorry for being a mushroom, guys ^^

AYESHA'S POV.

Sabi nila kapag nakaranas ka ng isang magandang karanasan, mahirap daw hindi isipin yon. For example na lang ay yung kiss namin ni Aki na isang linggo nang nakakalipas pero hanggang ngayon binubulabog pa din ako. Tulog nga lang ata ang pahinga ng utak ko eh.


Kung tatanungin nyo kung nasundan yung kiss namin na yon, ang sagot doon ay isang malaking HINDI. 


Paano simula noong araw na nag-kiss kami hindi na pumasok si Aki sa school. Nagtext lang siya noong umaga na hindi siya makakapasok pero hindi naman niya sinabi na isang linggo siyang mawawala! Kaya ayun, ilang linggo na akong thirdwheel.


At kung tatanungin nyo ulit kung bakit siya absent. Isang malaking HINDI din ang sagot ko. Kase ang last text niya lang sa akin hindi siya makakapasok dahil may aasikasuhin sila ng tatay niya.


Mabaliw baliw na nga ako sa kakaisip ng first kiss namin tapos mabaliw baliw pa ako sa pagka-miss sa kanya. 


"Bes, mangga na lang ang bilhin natin!" sabi ni bes sa tabi ko. Oo nga pala, nandito kami sa savemore, nabili ng prutas para kay Joana. Uwian na kasi namin.


"Wag yan. Apple na lang." sagot ko.


"Kaumay sa apple bes. Tsaka pwede ba pakiayos yang itsura mo, wala lang si Papa Aki ganyan ka na eh. Tingnan mo ako, kahit wala si Clifford ngayon, maganda pa din ako." sabi ni bes habang hinahawi hawi ang buhok niya.


"Tuktukan kaya kita diyan? Eh kasama mo lang kanina si Clifford, eh ako? Isang linggo ng wala si Aki. ISANG LINGGO NA BES." sabi ko habang nilalapit sa kanya ang daliri kong naka number 1. 


Inilayo ni bes ang daliri ko sabay ayos ng buhok ko. "Kahit na. Kailangan maganda ka pa din everyday, malay mo, iniwan ka na talaga ni Papa Aki. Paano ka makakahanap ng bagong boyfriend nyan?" 


Sinamaan ko siya ng tingin sabay tanggal ng kamay nya sa buhok ko. "Di nakakatuwa Mel."


Tumawa naman siya sabay balik ng kamay niya sa buhok ko. "Eto naman ang seryoso eh. Pero seryoso, dapat mag-ayos ka. Paano na lang kung dumating na si Papa Aki tapos ganyan itsura mo?" 


"Hayaan mo siya. Nagtatampo ako sa kanya dahil isang linggo na siyang di nagpapakita sa akin tapos hindi niya pa ako tinetext o chinachat man lang." 


"May reason naman siguro siya para don. Eh panigurado mabaliw baliw na din si Papa Aki sa pagka-miss sayo." sabi ni bes habang naka-smile.


Tiningnan ko lang siya tapos nag-focus na lang ulit ako sa pagpili ng apple para kay Joana.


"Bes mangga nga sabi."


HOSPITAL:

"Nakakapanibago kayong tingnan na hindi kasama mga boyfriend nyo." sabi ni Joana kaya napatigil ako sa pag-aayos ng prutas sa bowl katabi ng table niya at narinig ko si bes na bumulong ng "Joana."

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon