AYESHA'S POV.
"Bes, sorry nadamay ka pa." sabe ni Mel habang nakaupo kami sa bleachers sa soccer field.
"Hindi okay lang yun, naiinis lang talaga ako sa girlfriend na yan ni Clifford." sabe ko.
"Gago talaga yang si Clifford ano?" sabe naman ni Ronald
"Oo! Ni hindi nya man lang maawat yung girlfriend nya!" sabe ko naman at napatingin naman ako kay Mel nang tumungo siya.
"Ay sorry Bes." sabe ko ulit.
"Wag kang mag sorry bes, totoo naman yung mga sinasabe nyo eh.." sabe ni Mel with teary eyes.
"Wag na wag kang iiyak Mel, hindi nya worth ang tears mo." sabe ni Ronald habang akbay akbay si Mel. Maya maya lang ay biglang may lumapit sa amin at kumulo ang dugo ko ng makita kong si Clifford yun.
"At ang lakas ng loob mong pumunta dito." sabe ko sabay tayo sa kina uupuan ko.
"Nandito ako para humingi ng tawad sa inyo sa nagawa ni Pau." sabe ni Clifford at lumapit naman si Mel sa kanya.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, ang gusto lang namin, umalis ka na at wag na wag ka ng lalapit pa." sabe ni Mel na ikinagulat naman namin ni Onald.
"Mel sorry talaga, si Pauleen a-"
"Wag ka ng magsalita, umalis ka na lang!" sigaw ni Mel habang naiiyak na.
"Mel bakit ka ba ganyan? Hayaan mo naman akong magpaliwanag sa inyo ng mga kaibigan mo, hayaan mo akong humingi ng sorry sa inyo." sabe ni Clifford.
"Wag na nga! Wala naman akong pakialam eh. Tsaka nagkamali lang naman si Bes, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako umiiyak.. Tsaka bakit ba ikaw ang magiging dahilan?!" sabe ni Mel.
"Kung hindi talaga ako, bakit ka umiiyak sa harapan ko? Mel, alam kong gusto mo ako, nararamdaman ko yun." sabe naman ni Clifford at nag-init ang dugo ko ang KAPAL talaga ng muka.
"Hoy hoy Clifford, tigilan mo na nga si Bes at umalis ka na!" sigaw ko sa kanya pero di niya ako pinansin.
"Anong gusto? Di kita gusto, lakad na, umalis ka na, inaantay ka na ng GIRLFRIEND mo." sabe naman ni Mel at mag wawalk out na sana ng pigilan siya ni Clifford.
"Hindi ko siya girlfriend, kaibigan ko lang si Pauleen, mahilig lang siyang gumawa ng kalokohan kaya nga ako ang mag sosorry tsaka bakit ko siya magiging girlfriend eh hindi naman siya ang babaeng gusto ko." sabe ni Clifford na ikinagulat naman namin nila Mel.
"Tumigil ka na nga! Wag ka ng gumawa pa ng kwento." sabe ni Mel at bigla namang hinarap ni Clifford si Mel sa kanya.
"Hindi ako gumagawa ng kwento, ikaw ang gusto ko Mel, walang halong biro, hindi ako nagloloko, gusto kita." sabe ni Clifford habang nakatingin ng diretso sa mata ni Bes, umiyak lang si Bes sa narinig niya at alam kong tears of joy yun. Ngumiti lang si Clifford at niyakap si Bes, at alam kong hindi niya niloloko ang kabigan ko kaya napangiti ako at si Ronald.
"Totoo na talaga yan hah, wag na wag mong maloloko yang si Mel, mahal na mahal namin yan." sabe naman ni Ronald at ngumiti lang si Clifford.
"Oo nga, kapag lang talaga nalaman kong binibiro mo lang ang Best friend ko, lalagutan kita ng hininga!" sigaw ko naman at nakita kong parang natakot si Clifford, ngumiti siya at nagsorry sa amin sa nagawa nung babaeng hindi niya naman pala girlfriend.
Matapos ang dramahan, nakakwentuhan naman si Clifford, mabait naman pala siya pero may pagka weird at masaya ako dahil nakita kong masayang masaya si Bes, grabe nga lang, nauna akong magkaroon ng progress sa Crush ko pero naunahan naman agad ako ni Bes, akalain mo nga naman gusto pala siya ni Clifford.