AKI'S POV.
I tried to call Ayesha's phone pero mukang pinatay niya ito. Nag-antay muna ako ng jeep papunta sa kanila. Kailangang mag-usap kami. Hindi dapat ganito.
Sinubukan ko pa din tawagan ang cellphone niya pero nakapatay pa din eh.
Kasalanan ko to eh...
Mukang sa oras na to, talagang masama ang loob niya sa akin. Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag, pinatayan niya ako ng cellphone, tinakbuhan niya ako... Iba ang galit niya this time...
Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating ako sa subdivision nila Ayesha. Grabe sobrang traffic kaya sobrang natagalan ako tapos hanggang ngayon patay pa din ang cellphone niya. Agad agad akong tumakbo papunta sa bahay nila pero natigilan ako nang makita ko si Pauleen na nakaupo sa waiting shed, malapit sa kanto nila Ayesha. Mukang hindi pa din siya nakakauwi dahil nakauniform pa din siya.
Napatingin siya sa akin bago siya tumayo at lumapit sa akin.
"Aki..." tawag niya sa akin. Napansin ko namang mugto na ang mga mata niya. Siguro kanina pa siya umiiyak, pero kailangan ko muna siyang lagpasan, kailangan ko nang makapunta si Ayesha.
"Hindi muna ngayon Pauleen... kailangan kong makausap si Ayesha." sabi ko at akamang aalis pero humarang siya sa daraanan ko na nagpakunot sa noo ko.
"Pwede bang makausap ka muna?" tanong niya habang nakatungo.
"Pwede pero hindi sa ngayon. I need to talk to Ayesha first." sabi ko at akmang aalis ulit nang humarang nanaman siya daan ko sabay tunghay para tingnan ang muka ko.
"Saglit lang to Aki. I need someone to talk to. Hindi pa ako nakakauwi sa amin at ayokong umuwi ng ganito." sabi niya sabay hawak sa braso ko. "Please." sabay tulo ng luha sa mga mata niya.
Eto ang ayoko sa lahat eh kasi alam kong hindi ako makakatanggi. Pero kailangan ko talagang makausap si Ayesha, lalo na at alam kong ang taong kaharap ko ngayon ang dahilan kung bakit kami nag-away pero... kailangan din ni Pauleen ng kausap at naiintindihan ko yon.
Natigilan ako saglit bago tumingin sa daan na papunta kala Ayesha bago tumingin ulit kay Pauleen.
"Sige... pero hindi ako magtatagal." sagot ko sa kanya at nabigla ako nang niyakap niya ako.
"A-ang sakit. Ang sakit sakit Aki." hagulgol niya kaya nilagay ko ang isa kong kamay sa ulo niya.
"H-hindi ko na alam ang gagawin ko Aki. Please help me. Help me to move on." sabi niya, sounding desperate.
"I understand na gusto mo ng makalimot pero hindi ganung kadali yon. Nandito lang kami para gabayan at damayan ka, dahil sa pag momove-on, tanging ikaw lang ang makakaalam ng sagot kung paano."
"Pero di ba iba naman ang ginawa mo..." tanong niya na nagpatanggal ng kamay ko sa ulo niya at siya namang tunghay niya para tumingin sa muka ko.