NORMAL POV.
"Guys dito tau oh sa Tausug trails!" sabe ni Mel habang nakatayo sila sa tapat ng Mapa ng Splash Island
"Hindi! Dito tayo sa Magellan's drop!" sabe naman ni Clifford.
"Eh kung sa Rio Montanosa na lang?" sabe naman ni Joana.
"Sa Water Wahoo na lang! Mamaya pa naman magbubukas yang mga extreme na rides!" sabe naman ni Ronald habang tinuturo yung park schedule.
"Kung ganun, ang mga bukas pa lang ngayon ay sa Agos grandes, balsa river at diyan sa sinasabe mong Water Wahoo?" sabe ni Ayesha habang nakatingin na sila sa Park Schedule.
"Oh siya, sweety pie dun tayo sa balsa river!" sabe ni Clifford sabay hila kay Mel.
"I think masaya nga dun." sabe ni Andy sabay hawak sa kamay ni Joana at pumunta na sila dun.
"Ah basta dun ako sa Water Wahoo!" sigaw ni Ronald at tumakbo na papunta dun.
Naiwan namang nakatayo sila Ayesha sa tapat ng Park Schedule.
"Where do you think we should go?" tanong ni Travis sabay hawak sa kamay ni Ayesha na kinaasar naman ni Aki.
"Tara mine, dun tayo sa Agos Grandes." sabe ni Aki sabay hila kay Pauleen. Syempre nagselos naman itong si Ayesha, kaya sinabi niya kay Travis na dun na din sila sa Agos Grandes.
"Let's go to the deep part!" sabe ni Travis na mukang nagmamayabang nanaman kaya sumunod sa kanya si Ayesha.
Nakita ni Ayesha na papunta din sila Aki at Pauleen sa malalim na parte at naka-pasan pa si Pauleen sa likod ni Aki na ikinaselos niya naman. At dahil sa naka-focus siya sa dalawa ay di na niya namamalayang malayo na pala sa kanya si Travis.
Dahil sa palalim na rin sila ng palalim ay lalong lumalakas yung waves at nahihirapan na si Ayesha na makapunta pa dun dahil sa maliit lang siya. Takte naman kase eh noh? Nagyaya -yaya sa malalim tapos mang-iiwan? Ang gentleman ni Travis grabe -_-
At dahil nga sa sobrang lakas na ng alon ay biglang natangay yung kwintas ni Ayesha na bigay ni Aki at syempre nag-panic siya at hinanap ito pero masyadong malakas yung waves. At dahil sa sobrang mahalaga sa kanya ang kwintas na yun ay pinilit niya pang sisirin sa ilalim (kahit di naman ganun kalalim pa yung tubig) pero dahil nga sa lintik na waves ay nakainom siya ng maraming tubig at nawalan siya ng malay.