Suspicion

44 4 0
                                    

AKI'S POV.

Nandito ako ngayon sa room namin at sobrang ingay! Pero himala at tahimik ngayon si Andy habang hawak ang cellphone niya. Hindi nga din siya nakikipagharutan sa mga girls ngayon at himala yun. Ano naman kayang nakain ng isang yan?



At nakakapagtaka din naman si Pauleen.. bakit naman kaya naging close sila bigla ni Andy? Simula nung Acquaintance Party eh naging ganyan na sila.. Argh! Ano ba Aki! Wag ka ngang GM diyan! Walang kakaibang nangyari. Magtiwala ka lang. WALA YAN!



Kinuha ko naman ang cellphone ko at naisipang itext si Pauleen.



"Hello mine"  Text ko sa kanya at paglipas ng ilang minuto..



"Hello."  reply niya sa akin.



"Gusto mo bang lumabas mamaya?"  text ko.



"Sorry I'm not allowed. Next time na lang."  reply niya.



"Ah kung ganon, hatid na lang kita?"



"Wag na, kasabay ko friends ko, may pupuntahan kasi kami."  reply niya.



"Ganun ba.. Sige ingat kayo."  reply ko pero nalulungkot talaga ako. Bakit kaya parang iwas siya sa akin? Di na nga siya nagreply sa text ko eh.. Hay, may problema nanaman ba kami?



Napatingin naman ako kay Andy at parang kinikilig ang loko habang hawak ang cellphone niya kaya naman tumayo ako at tumabi sa kanya. Agad naman siyang umayos ng upo at tinago yung phone niya.



"Hey bro, what's up?" bati niya sa akin habang ngiting ngiti.



"You looked happy." sabi ko at napatawa naman siya.



"Let me guess? May bagong girlfriend ka na noh?" sabi ko ulit at nakita kong parang nagulat siya at napaiwas ng tingin.



"P-parang ganun na nga."



"Sus nahihiya ka pa! So kailan mo balak ipakilala sa akin ang bago mo hah?" sabi ko at nakita ko namang parang napaisip siya.



"Basta, tsaka na lang." sabi niya sabay tingin sa phone niya. Hmmm.. kaya naman pala nag-iba na itong si bro.. nakatagpo na pala ng babaeng mamahalin niya. Siguro naka move-on na siya?

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon