Pasensorry po sa matagal na update. Naging busy pa po kase sa ginagawa kong new story ^_~ Eto na po siya. Enjoy :*
AKI'S POV.
Nanlaki naman ang mga mata ko (kahit singkit ako) sa gulat ng marinig ko yun.
At nakita ko din ang gulat sa muka at pamumula ng pisngi ni Ayesha. T-tama ba ako ng pagkakadinig? Di ko alam pero parang biglang nagkaroon ng pag-asa sa puso ko.
"A-ako?"
"A-ah.... A-ahmmm.. A-ang ibig k-kong sabihin... i-ikaw, a-anong gagawin mo k-kung ikaw a-ang n-nasa kalagayan ko.. Tama! Yun nga."
Naiwan namang nakanganga ang bibig ko. So ayun pala ang ibig niyang sabihin? Di ko alam pero biglang kumirot yung puso ko dahil sa naging sagot niya. Assuming ko kase. Agad agad ko namang tinikom ang bibig ko at sumagot sa kanya.
"A-ah.. w-well.. Gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa kanya na mahal ko siya kahit na may mahal pa siyang iba, kung may nakikita naman akong chance eh, wala namang masama diba?"
Sabe ko habang nakangiti sa kanya pero biglang nawala ang ngiti ko ng may isang ala-alang sumagi sa isip ko at isa tong HINDI MAGANDANG ALA-ALA.
"Sweety pie, Will you be my girlfriend?"
"O-oo naman! Gusto din kita! Gustong gusto kita."
Napatungo naman ako bigla. Hay.. Bakit ba bigla bigla na lang nasulpot ang ala-alang ayaw mo nang maalala?!
"P-pero kung nagmamahalan naman sila.. I think I will let go of my feelings kahit mahirap that's the best thing na magagawa ko, right?"
Pagpapatuloy ko at tumingin ulit sa kanya at para namang lumungkot bigla yung muka niya at tumango na lang siya sa akin. Kaya naman inakbayan ko siya at nakita ko naman ang pamumula sa muka niya.
"Pero Ayesha, kung may chance naman. Bakit di mo subukang ipakita sa kanya kung gaano mo siya kamahal? Malay mo naman may mangyari diba?"
Nakita ko namang ngumiti siya "S-salamat Aki."
Ngumiti naman ako at ginulo yung buhok niya. "Salamat din at ngumiti ka na."
Bigla naman siyang natawa at tinanggal ko na yung pagkakaakbay ko sa kanya.
"So.. yung question ko, di mo pa sinasagot."
"Ang alin?"
"Sino yung lalaking nagugustuhan mo?"
Bigla naman siyang namula at umiwas ng tingin sa akin.