Being Aki's GF

23 1 0
                                    

AYESHA'S POV.

Tiningnan ko ng may konsensya sa mata ang mga taong nasa harapan ko ngayon... Iniisip ko pa lang na malaman nilang hindi totoo ang relasyon namin ni Aki, hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaliwanag at ihaharap ang sarili ko sa kanila. Tiningnan ko si Aki at nakita kong ganun din ang sinasabi ng mga mata niya.


"Oh ano? Nagulat kayo no?" sabi ni Ronald habang nakangiti sila bes sa may likuran niya.


Napangiti na lang ako at nag thank you kami ni Aki sa kanilang lahat. Kumain na kami at sabi ni Ronald, may pupuntahan pa daw kami at treat daw nilang lahat yon sa aming dalawa ni Aki. So ano? May isa pa silang bagay na gagawin na ikakakonsensya ulit namin ni Aki.


After naming kumain ay biglang may tinawagan si Andy sa phone niya parang narinig ko pa ngang sinabi niya na sunduin kami. Maya maya may dumating na van at sumakay ang lahat. Umupo naman kami ni Aki sa may bandang likuran nang may pagtataka sa muka? Teka? Saan ba kami pupunta?


"Uhm, guys? Where are we going?" biglang tanong ni Aki.


"Sa Enchanted Kingdom!" sigaw ni bes sa amin.


"Tama! Eto ang 1st date nating magttropa nang may kasama nang jowa!" sabi ni Ronald sabay ngiti kay Denny na nasa tabi niya.


"W-wait teka.. Paano yung ticket?" tanong ko.


"Treat na namin." biglang sabi ni Pauleen habang naka-smile. Hmmm.. Ano to? Peace offering?


"Napagdesisyunan naming lahat na libre na kayong dalawa since kayo ang pinaka may matagal na process HAHAHA de joke lang kayo kase ang latest na couple." sabi ni Ronald. Nagkatinginan kami ni Aki sabay ngiti. Nagthank you kami ng sabay sa kanila at doon na nagsimula ang maingay naming biyahe papuntang Enchanted Kingdom.


After ng maingay na biyahe ay nakarating naman kami sa Enchanted Kingdom. Masaya ngang pumunta ngayon kase hindi matao. Pagpasok namin sa loob, nagsimula na kaming magkanya kanya. I-enjoy na lang daw namin ang 1st date namin as a couple.


"Ano nang gagawin natin?" tanong ko kay Aki nang maiwan kami sa kinatatayuan namin.


"Ano pa? Edi enjoyin, libre naman to eh."


"Ayos ka lang ba?" tanong ko at biglang nag-iba ang tingin niya sa akin pero ngumiti siya.


"Oo naman." sagot niya sa akin sabay hila sa akin.


Una niya akong dinala sa Rio Grande Rapids at sakto pa talaga na nandoon din sina Pauleen at Andy. Oh di ba? Ang ganda ng bungad. Nakita kami ni Andy kaya eto magkakatabi kami sa pila.


"Wow. 1st choice mo din?" tanong ni Andy at ngumiti lang si Aki.


"Sabagay favorite ride natin to eh di ba..." sabi ni Andy pero hindi umiimik si Aki. Okaaaaay sobrang awkward. Tapos nagulat lang ako nang biglang magsalita si Aki.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon