Ipapakita dito sa Chapter na ito ang nangyari sa date ni Joana at Andy habang nakanta sa Videoke sila Aye. Simulan na ang istorya :D
JOANA'S POV.
Maaga akong pumasok ngayong araw na ito dahil ayaw kong magtagal sa bahay namin and gusto ko na kaagad maka-usap si Andy.
May nalaman kasi akong hindi maganda kagabi at may balak sana ako sanang sabihin kay Andy patungkol doon habang wala pang masyadong tao sa school...
"Good morning Joana!" halos mapatalon naman ako sa gulat nang may marinig akong boses na bumati sa akin at nakita kong si Ayesha to at ngumiti agad ako sa kanya.
"Oh Ayesha, good morning din." bati ko at nakita kong may pagtataka sa muka niya...
"May problema ba Joana?" tanong niya sa akin sabay upo sa upuan niya.
"A-ah naku wala wala."sagot ko naman. Naku! Masyado ba akong halata?
"Umiyak ka ba? War ba kayo ni Andy?" tanong niya nanaman at bigla kong naalala na magang maga nga pala ang mata ko, kakaiyak kagabi...
"Hindi hindi. Nanood lang ako ng drama kagabi, kaya eto maga mata." pagdadahilan ko.
"Sigurado ka ba?"
"Oo. Wala naman kaming problema, ang totoo nga nan, may date pa kami mamaya." sinabi ko na lang kahit wala talaga para hindi siya maghinala pero kita ko pa din ang pagtataka sa muka niya... Hmmm.. Paninindigan ko na lang itong date na ito at dun ko na lang sasabihin kay Andy ang gusto kong sabihin...
RECESS:
"Hi Nhie." bati niya sa akin habang nakangiti ng lumabas na ako ng room namin.
"Hello." bati ko sa kanya at nakita kong nawala ang ngiti sa muka niya.
"Sorry nga pala kung hindi na kita napuntahan kaninang umaga. Bakit nga pala maga yang mata mo?" tanong niya.
"N-nanood lang ako ng drama kagabi, eto tuloy kinalabasan." ginaya ko na lang yung dahilan na sinabi ko kay Ayesha kanina at tumango tango naman siya.
"Sa susunod, wag ka ng masyadong manood ng drama hah. Hindi nga kita pinapaiyak diyan tapos papaiyakin ka lang ng drama." sabi niya habang naka-pout at napatawa naman ako sa kanya pero nawala agad to nang maalala ko ang pangyayari kagabi....