Videoke

49 3 3
                                    

AYESHA'S POV.


"Nakita mo ba yung nangyari kanina? Grabe nakakakilig nuh."



"Oo nga eh! Ang swerte swerte naman nung girl na yun."



"Ganung babae pala ang type ni Aki?"



"Nakakainggit talaga siyaaaa"



Mga bulungang naririnig ko habang nandito ako sa manggahan at hinihintay mag-uwian sila Bes at si Ronald. Magsasabay pa rin kasi kami kahit di na kami magkakaklase. Alam niyo na, dating gawi.



At ayun pa. Nakita ko pa yung pangyayari kanina. Seryoso talaga si Aki kay Pauleen nuh?



"Beessssss!" napatunghay naman ako ng marinig ko na ang boses ng best friend ko.



"Oh? Di pa uwian sila Ronald?"



"Hindi pa eh." sabi ko at napatingin naman ako sa likuran ni bes nang makarinig ako ng pamilyar na boses.



At ayun na nga. Nakita ko si Aki na may hawak na gitara... Papunta sila doon sa may bagong gawang mini nipa hut. Mejo malapit lang yun sa manggahan pero mukang di niya ako napansin at mukang hinihintay niya si PAULEEN.



"Hay nako." napatingin naman ako kay bes nang bigla siyang magsalita.



"Si Aki nanaman nuh?" sabi niya at napataas naman ang isang kilay ko.



"Hah?"



"Hay nako bes. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong nagje-jelly ka nanaman dahil sa pangyayari kanina. Kahit hindi ko yun nasaksihan kanina eh, alam ko yung pangyayari. Usap-usapan kaya sa buong school. Masaksihan ba naman nilang mangharana ang prinsipe ng school." sabi ni bes kaya napatungo ako.



"Bes batukan mo nga ako." sabi ko at nakita ko ang gulat sa muka niya.



"Ano bang pinagsasabe mo diyan?"



"Batukan mo ako nang matauhan na ako."



"Tumigil ka nga diyan sa kakornihan mo bes dahil kahit batukan pa kita ng madaming beses, alam ko namang di ka pa din matatauhan." sabi niya at sinimangutan ko naman siya.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon