AYESHA'S POV.
"Uyy si bes." tukso naman ni Mel pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin ni Aki kahapon.
"Eh baka nga totoo na yung sinabi nila Amiel na mahal ka ni Aki, baka dahil sa gusto ka na niya eh, nagtanong na siya about love at nalilito pa siya kung totoo ba yung nararamdaman niya o hindi." sabe naman ni Ronald sabay upo sa teacher's table.
Namula naman ako sa sinabi na yun ni Ronald. Maaaring totoo pero ayoko namang umasa, alam nyo na, mahirap na diba? Malay ko ba, baka hindi ako yun.. baka si... at bigla namang sumagi sa isip ko si Pauleen. Naku naku naku sana naman hindi siya! Kung bakit ba kase napakaliit ng mundo! Siya yung nakaaway ko nito tapos siya pa rin ba magiging karibal ko kay Aki? Hay.
"Naku, malapit na pala ang Valentine's Day nuh?" napatingin naman ako nang magsalita si Mel.
"Oo nga nuh, eh alam ko namang may mga date na kayo." sabe naman ni Ronald.
"Eh bakit hindi mo yayain crush mo?" tukso ko naman at namula lang si Ronald. Kaya naman tumawa lang kaming dalawa ni Mel.
"Tsaka, si Mel lang ang may date nuh, wala ako." sabe ko naman at nakita ko ang 'makakaganti na ako' face ni Ronald.
"Wala daw, kahit nandyan si bro hah?" sabe niya at sinundot yung tagiliran ko.
"Hay nako, kahit na nagsabe siya ng mga ganun, di naman natin alam na ako nga yun." sabe ko.
"Hayaan mo, magtatanong ako kay bro, alam mo naman, malakas ako dun." sabe naman ni Ronald sabay pose ng pang Mr Pogi. Inirapan ko na lang siya at napaisip sa sinabi niya. Kung ganun pala ang gagawin niya, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga dapat kong malaman.
"Naku, aabangan ko ang sasabihin ni Aki." sabe naman ni Mel at nag-apir sila ni Ronald. Pinagkakaisahan nanaman ako ng dalawang to, kaya naman lumabas ako ng room at sumilip sa room nila Aki. Sana naman lumabas siya para naman makita ko ang gwapo niyang muka.
"Excuse me?"
Napatingin naman ako sa likod at OMG! A-ang g-gwapo! May gwapong lalaki sa harapan ko at may dala siyang bouquet. *sampal* *sampal* Ano ba Ayesha! Wag ka ngang malandi! Diba si Aki lang, diba siya lang ang gwapo para sayo?! diba?! At napansin ko namang hindi siya nakauniform, meaning outsider?
"Uhm miss?" sabe niya ulit kaya bumalik ako sa realidad at ngumiti sa kanya.
"A-ay sorry, ano yun?" sabe ko sa kanya at ngumiti siya. Grabe gwapo talaga! *sampal* Ano ba Ayesha wag ka nga sabeng malandi!
"Kilala mo ba si Joana? Joana Delfin?" tanong niya at umiling naman ako.
"Hindi eh." sabe ko. Kumunot naman ang noo niya at nagsmile sa akin.
"Okay, okay. Thank you na lang." sabe niya at umalis na.
"Oy bes, sino yun?" nagulat naman ako ng magsalita si bes sa likod ko.
"Oo nga Aye! Ikaw hah, may Aki ka na nga eh." sabe naman ni Ronald.
"Ano ba naman kayo! Nagtanong lang naman yung gwa- este yung tao!"
"Sus, eh bakit bigla kang napatulala sa kanya kanina hah? Akala mo hindi namin nakita yun ah." sabe naman ni Ronald.
"Oo nga bes! Nakakita ka lang ng gwapo diyan, nakalimutan mo na agad si Papa Aki." sabe naman ni Bes.
"Ay ako nga tigilan nyong dalawa." sabe ko naman at bumalik na sa upuan ko ng may pagkainis. Yung dalawang yun talaga, kahit kailan talaga.
RECESS:
"Eh ano ngang sasabihin ko? Tulungan nyo naman ako." sabe naman ni Ronald sa amin habang may hawak na papel at ball pen. Gusto niya daw yayain si Denny para sa date sa Valentine's Day at eto nagpapatulong sa amin kung ano daw ba ang gusto naming marinig na nakakakilig na linya mula sa isang lalaki.