Savior Part 2

44 4 0
                                    

AYESHA'S POV.

*Beep Beep Beep Beep*

Ughhh.. Ano ba yun?

*Beep Beep Beep Beep*

Tumingin ako sa Side Table ko at Cellphone ko pala yun. Tsk. Sino naman kaya ang magtetext ng gantong kaaga =_=

Inabot ko ang Cellphone ko at tiningnan ang messages. Halos 3 messages na pala. Kanino naman kaya galing to? Pagbukas ko message ay biglang nagising ang diwa ko at napabangon sa higaan ko.

From:Aki
Ayesha, nasan kna? Nandito na ako sa may kakahuyan.

Hah? B-Bakit daw? Binasa ko pa yung iba niyang message.

From: Aki
Goodmorning Ayesha :) Gising kna. Hintayin mo ko sa Kakahuyan ah.

A-ano ba to? Anong sa Kakahuyan? Nabwisit ako at binasa ko pa yung iba niyang message.

From: Aki
GoodEvening Ayesha :) Gusto ko sanang magsabay tayo bukas, alam mo na for your safety. Baka kase alam na ni Ate She house mo abangan ka pa. Dun tayo magmeet sa kakahuyan ah. Goodnight :)

H-hah? Sabay? Chineck ko yung time nito. Yung last na binasa ko kagabe nya pa text! Yung pangalawa kaninang umaga pa. Yung unang-una nito lang. T-teka? Anong oras na ba? Bakit andun na siya? Pagtingin ko sa time. Aba! Late na pala koooooo!!!!!

Dali dali akong bumangon. Naligo, nagtoothbrush, nagbihis, nagsuklay at di ko na muna inipitan ang hair ko dahil nga late na ako!! Bumaba ako at kumuha na lang ng isang slice ng bread.

"Oh? Ayesha. Bakit ayan lang? Umupo ka muna dito." Sabe ni Mama.

"Hindi na po! Late na kooo!" Sigaw ko at lumabas na ng pinto.

Tumakbo ako ng mabilis at sa wakas nakarating na ako sa Kakahuyan. Pagpasok ko nakita ko si Aki dun.

"Oh Ayesha? Hinihingal ka yata?" Sabe niya sabay lapit sa akin.

"A-ah *pant* *pant* di naman *pant* masyado." Sabe ko at ngumiti siya.

"Nalate ka ng gising noh?" Sabe niya at namula naman ako. Geez! Kakahiya. Halata pala ako >_< Tumawa naman siya at sumakay sa Bike niya.

"Angkas na." Sabe niya. H-hah? A-angkas?

"Halika na. Wag ka ng mahiya." Sabe nya sabay hila sa akin at napaupo naman ako dun sa may unahan ng bike niya.

"Kapit kang mabuti. Bibilisan ko." Sabe nya at nagsimula nang magpidal ng bike niya.

Oh my gosh. Kinikilig ako ng sobra. Yung dibdib ni Aki nakadikit na sa likod ko at grabe ang bango bango nya! Hahahahaha! Sana di na kami tigilan ni Ate para ganto tuwing Morning :D Haha Choz :P

At ilang sandali lang ay nakarating na kami sa school. Buti na lang at Wala ng mga babae sa labas at yung si Ate. Late na kase kami XD

"Sige na Ayesha. Mauna ka na sa room nyo. Ipapark ko pa to." Sabe ni Aki at bumaba na ako ng bike.

"Salamat Aki." Sabe ko at ngumiti. Ngumiti din siya at pumasok na ako sa room.

AKI'S POV.

Habang papunta na si Ayesha sa room niya at pinark ko naman ang bike ko at pumunta na rin sa room ko. Buti na lang at wala pa akong Teacher.

"Oh Aki bakit ngiting ngiti ka yata?" Sabe ng kaibigan kong si Amiel.

"Hah? Nakangiti ba ako?" Sabe ko at tumawa siya.

"Nahihibang ka nanaman." Sabe niya at tinapik ako sa balikat habang tumatawa. Napatawa na din ako at inisip siguro dahil nakasabay ko si Ayesha kaya ganun, grabe ang bango ng buhok ny- T-teka? Bakit ko ba iniisip yun? Hay. Hibang na nga yata ako.. At di ko alam pero di ko talaga mapigilang di mapangiti.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon