AYESHA'S POV.
"M-Mitochondria is the powerhouse of the cell."
Sabi ng kaklase ko sa harapan dahil reporting namin sa science ngayong araw. Buti na nga lang at sa 3rd periodical pa ako magrereport eh kasi naman nanggigisa tong teacher na to kaya ayun nauutal na yung mga kaklase ko sa harapan.
"Please explain why mitochondria is the powerhouse of the cell." tanong nung teacher ko at nagsimula namang maghanap ng sagot sa papel na hawak niya yung kaklase ko.
"Answer me without looking at your paper. Dapat alam niyo yan dahil report niyo yan." sabi nung teacher namin at mukang mainit pa ang ulo niya.
Nakatayo lang don yung kaklase ko at mukang hindi niya alam yung sagot.
"H-hindi po kase kami ready." sagot ng kaklase ko kaya napakunot lalo yung noo ng teacher namin.
"Hindi kayo ready? Last week ko pa ito binigay di ba? Kulang pa ba ang time na binigay ko? Remember this is 25% of your grade. Oh siya sige maupo na kayo, zero na kayo sa reporting. Sana magsilbing aral to sa mga susunod na reporters. Okay everyone grab 1/4 sheet of paper, magpapa quiz na lang ako ngayong araw." sabi nung teacher namin.
Tumahimik naman ang classroom pero yung iba naman sinisisi yung reporter dahil nagkaroon kami ng biglaang quiz.
"This quiz is about the topic for today. Okay, number 1." sabi nung teacher namin. Ay syete, anong isasagot namin eh hindi nga natapos yung reporting. Hays minsan hindi ko alam kung bakit may mga ganyang teacher eh.
Matapos ang quiz ay nagsisihan nanaman ang mga kaklase ko eh kase ang gaganda ng mga scores namin eh. Sakto pa nga nag time na at recess na namin.
"Grabe talaga si Ma'am no." biglang sabi ni Joana sa akin.
"Kaya nga eh. Ilan ang score mo?" tanong ko.
"5." sagot niya.
"Buti ka nga eh, ako 3 lang hahaha." sabi ko at natawa din naman siya.
"Ayesha ayan na si Aki sa labas!" sigaw nung kaklase kong nakatambay sa may pintuan. Sumilip naman si Aki at kinawayan ako. Kumaway naman ako pabalik habang nakangiti.
"Mukang may magandang dulot din pala ang break up namin no." bigla namang sabi ni Joana.
"Hah?"
"Eh kung hindi kami nagbreak ni Andy, hindi naman mangyayari lahat ng ito di ba." sabi niya habang nakangiti sa akin. Ahhh yun pala ang ibig niyang sabihin.
"Wag ka na ngang mag-isip ng kung ano ano diyan at tara na, sumabay ka sa amin ni Aki mag recess." sabi ko sabay hablot sa braso niya.
"Teka, okay lang ba?"
"Oo naman! Tara!" sabi ko sabay hila sa kanya palabas.
"Hello Joana!" nagulat naman kami ni Joana nang biglang nakita namin si Iris na kasama ni Aki.
"I-iris." bati ni Joana sa kanya. Wait? Magkakilala sila? Ay oo nga pala, pinsan nga pala ni Andy si Iris.
"Okay lang ba na sumabay siya? Gusto niya kase eh." sabi ni Aki sa akin.
"O-oo naman, isasabay ko nga din sana si Joana sa atin eh." sabi ko at nagulat naman ako ng hablutin ni Iris si Joana sa akin.
"You two go ahead, dito kami ni Joana sa likuran niyo." sabi ni Iris. Nagtinginan muna kami ni Aki sabay lakad papuntang canteen.