Unknown Pain

36 4 0
                                    

AKI'S POV.


Pumunta naman kami ni Ayesha sa kakahuyan at napansin ko din na tahimik siya. Ano ba yan, kanina si Pauleen ngayon naman si Ayesha? Hays. Ano kayang problema nila sa akin at bakit ang tahi-tahimik nila?



Umupo naman kami sa lagi naming inuupuan at tinitigan ko yung matandang puno hanggang sa mapatingin ako sa kanya at nakita kong nakatungo lang siya. Kanina naman okay siya ah noong kasama niya si Andy pero bakit kaya ang tahimik niya na ngayong kasama niya ako?



"Ayesha?" tawag ko sa kanya. Kanina pa kasi ako nabibingi sa katahimikan.



"Oh?" sabi niya pero di pa din siya nakatingin sa akin.



"A-ano. May problema ka ba sa akin?" tanong ko naman sa kanya at sa wakas tumingin na din siya sa akin.



"W-wala. Bakit mo naman naisip yan?"



"Eh kanina ka pa kasi tahimik. Di mo man lang ako kinakausap." sabi ko at nakita ko namang napangiti siya at umusod pa ng konti sa akin.



"Wala namang problema, wag kang mag-alala diyan." sabi niya pero nakikita ko pa din ang lungkot sa mga mata niya.



"Sabihin mo na kasi sa akin. Alam kong meron." sabi ko ng seryoso pero di niya pa din inaalis ang ngiti sa muka niya.



"Wala. Nga. Sabi."



"Alam. Kong. Meron." gaya ko naman sa kanya at nakita ko namang napatawa siya at ewan ko ba pero natawa na lang din ako nang makita ko na ang tumatawa niyang muka.



"Hay nako. Matagal tagal na din pala simula nung nakatambay tayo dito nuh?"



"Oo nga nuh. Namiss ko nga pagtambay natin dito eh." sabi ko at bigla naman siyang napaiwas ng tingin.



"Namimiss niya rin pala.." bulong niya kaya naman napangiti ako.



"Ayesha may gusto sana akong itanong sayo."



"Ano yun?" sabi niya sabay tingin ulit sa akin.



"Ahm, alam mo kasi... may nabasa ako kaninang message sa isang booth sa school at nakita kong galing sayo yun." sabi ko at nakita kong tinaas niya lang ang isang kilay niya na parang nagtataka.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon