NORMAL POV.
Valentine's Day. Isang araw kung saan marami kang makikita na post sa facebook about sa date, sa natanggap na gifts etc. Habang ikaw ay scroll lng scroll dahil wala kang love life! Ayan ang ginagawa ngayon ng ating bida na si Ayesha habang nasa biyahe papuntang school.
Pero ang inaalala niya ay ang kaibigan nyang si Ronald na nabroken hearted lang nitong nakaraan. Nagpapakita siya na ayos lang siya pero hinding hindi niya kayang lokohin si Ayesha.
"Kumusta na kaya yung bakulaw na yun ngayon?"
Mga salitang sumagi sa isip ni Ayesha ngayong araw. Nang makarating siya ng school ay maraming vendors na nagtitinda ng mga pang Valentine's gifts sa labas ng school nila at marami namang mga estudyante ang natingin at nabili.
Pumasok na si Ayesha ng school at umagang umaga pa lang nakarinig na siya ng mga irit o hiyawan sa iba't-ibang parte ng school.
May mga nagbibigayan na ng gifts sa isa't-isa. Yung iba naman nanliligaw. Yung iba naman umaamin. Yung iba basted. Yung iba nagkaroon ng secret admirers at yung iba naman pinapanood lang ang mga eksenang to sa school kagaya ni Ayesha.
Napabuntong hininga na lang siya at pumunta na ng classroom nila.
"HAPPY VALENTINE'S DAY AYE!" agad namang salubong ni Ronald sabay abot ng isang bar ng hershey's.
"Wow. Ang bongga ah! Salamat." sabe ni Ayesha at kinuha ang chocolate.
"Bes! Happy Valentine's Day!" sigaw ni Mel at nagyakapan sila ni Ayesha.
"Parehas na tayong may natanggap bes at parehas galing kay Ronald." sabe ni Mel at ipinakita din ang isang bar ng Hershey's.
"Nagpadala kase yung tita ko na nasa London, sakto nga eh Valentine's Day ngayon, kaya may chocolate kayo sa akin." sabe ni Ronald.
"Okay ka na ba talaga?" tanong ni Ayesha. Tumawa naman ng malakas si Ronald.
"Oo naman! Psh, wag ka na nga sabeng mag-alala diyan eh. Hindi ako malulungkot basta't nandiyan kayo ni Mel." sabe ni Ronald sabay akbay kay Mel at Ayesha.
"Oo nga pala bes, may natanggap ka na ba kay Clifford? tanong ni Ayesha at bigla namang nakita ni Ayesha ang 'Nagtatampo na ako' face ni Mel.
"Wala pa nga, gaya nga ng sinabe ko si Ronald pa lang ang nagbibigay sa akin." sabe ni Mel.
"Hayaan mo mabibigyan ka din ng weirdong yun! Eh ikaw Aye? May natanggap ka na ba hah?" sabe ni Ronald na may mapang asar na muka.
"Oo galing sayo." sabe ni Ayesha na bumasag sa pang-aasar ni Ronald.
"Hahahaha, basag ka tuloy." sabe naman ni Mel habang natawa at si Ronald naman ang inasar ng dalawa.
At pumunta naman tayo sa ginagawa ng leading man ng ating bida.
"Hmmmm... Ano kaya." sabe ni Aki habang nakatingin sa mga bulaklak. Namimili na siguro siya ng bulaklak para sa bibigyan niya ngayong araw. Sino kaya ang maswerteng babaeng yun?
"Oy." napalingon naman si Aki ng may marinig siyang boses at nakita niya si Andy na may hawak na bouquet.
"Oh Andy, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Aki.
"Pupuntahan ko si Joana, para ibigay to."
"Wow naman, sweet naman talaga."
Tumawa naman si Andy at sinabi "At ikaw? bakit hindi ka pa pumapasok hah? May bibigyan ka ng bulaklak nuh?"
Ngumiti naman si Aki sabay tingin sa mga bulaklak.
"Oo. Aamin na kase ako sa isang kaibigan."
"Sinong kaibigan?"