Hello Guys! Finally Chapter 40 na :D Pero malayo layo pa itong Storya! :)
40 ang ginawa kong pamagat dahil pang 40 na chapter na and dahil wala akong maisip na pamagat. Hahahahaha. Baka damihan ko ang POV sa chapter na ito! Thank you sa lahat and continue reading :)
AKI'S POV.
Nang matapos na ang Acquaintance Party namin ay nakatanggap ako ng text galing kay Andy at sinabi niyang kasama niya daw si Pauleen. Saan naman kaya sila pumunta?
"Oh Aki, nakita mo na ba si Pauleen?" tanong naman ni Ayesha sa tabi ko. Siya na ang nakasama ko sa buong party pagtapos naming magsayaw.
"She's with Andy." sabi ko at nilagay na ang phone ko sa bulsa ko.
"Bakit daw?"
"No idea. So, ano hatid na kita pauwi?"
"Hindi na Aki, susunduin kasi ako ni papa eh."
"Ah sayang naman kung ganun. Oh sige ingat ka hah." sabi ko at ngumiti siya.
"Ikaw din. Ingat ka." sabi ni Ayesha at ako naman ang ngumiti sa kanya.
Umuwi nanaman kami sa bahay namin. Nagpalit agad ako ng damit pag-uwi at nahiga agad sa kama ko. Napa-isip tuloy ako, ano kayang ginawa ni Andy at ni Pauleen? Bakit silang dalawa lang ang lumabas? Ano kayang meron? Argh! Ano ba Aki! Kaibigan mo si Andy dapat magtiwala ka sa kanya. Hinding hindi siya gagawa ng ikasasakit mo. Tandaan mo yan.
Inabot ko naman ang phone ko at tiningnan kung may text na sa akin si Mine pero wala man lang miski isa. Nagbuntong hininga naman ako at bumangon sa kama ko nang biglang may tumawag sa akin.
CALLING...
"Ayesha"
Napangiti naman ako at sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
"Magandang gabi!" bati naman ni Ayesha sa kabilang linya.
"Oh napatawag ka yata?"
"Kanina kasi nung pauwi na tayo, napansin kong malungkot ka, kaya eto nag-unli call ako at mag-usap tayong magdamag." sabi niya kaya natawa ako at nahiga ulit sa kama ko.