Kakahuyan

79 5 0
                                    

AKI'S POV.

Isang nakakapagod na week para sa amin ang week na ito.. Dahil sa examination, daming chechekan na test papers tapos item analysis pa. Mabuti na lang at nagkaroon ng Holiday, yun nga lang may pasok kami agad bukas. Kaya eto namamahinga lang ako sa bahay, it's been a week na rin pala ng ibigay ko ang cellphone number ko kay Ayesha at wala pa din kahit isang text akong narereceive.

Kahit nitong week, di ko sya napansin, siguro busy din siya kagaya ko. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Siguro nagpapahinga na din siya. Di ko na nabuksan ang Facebook ko, naputulan kase kami ng internet.

Hays. Sobrang boring sa bahay. Wala si Otōsan wala din si Okasan (Japanese word for mother) kaya lumabas na lang ako ng bahay, magbibike na lang ako sa malapit na Subdivision dito.

Kaya ginawa ko nga yun, pumunta ako sa Subdivision na lagi kong nadadaanan kapag papasok ako sa school, malawak pala ang loob ng Subdivision, at mukang mahal ng may-ari ang Nature, madami kaseng trees and shrubs, di tulad ng ibang Subdivision kaya di mainit dito, then biglang may nakaagaw ng pansin ko ng makakita ako ng isang lugar na may madaming puno, pero may opening siya, parang forest lang siya, hindi na siguro pina-demolish ng may-ari yun para naman kahit papano eh, may puno puno dito.

Pumunta ako doon sa nakita kong kakahuyan, mahilig kase ako sa lugar na maraming puno, then pagpasok ko isang maliit na space lang pala ang nasa loob, bilog na space na napapaligiran ng maraming puno, pero sa gitna Ay may malaking puno, parang magandang puno tapos may katawan ng puno na mahaba na nakababa sa may tapat ng malaking puno, kaya inupuan ko yun at Wow! Nakakarelax sa lugar na to ah! Kahit ang tahi-tahimik dito di ka mabobored.

Tinitigan ko yung malaking puno at humiga dun sa kinauupuan ko, then suddenly parang nakaramdam ako ng bigat sa mga mata ko.

*Birds Chirping*

Woahhh.. Teka.. Nakatulog pala ako. Teka? Anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ko 5:56 na pala, ang haba din pala ng naitulog ko dito, mamaya na makauwi, 10pm pa naman uwi nila... *Gruuuu~* Ayun na nga nakaramdam na ako ng gutom, kaya tumayo ako at bibili muna sa pinakamalapit na tindahan tsaka na makabalik dito.

Then after a few minutes, nakabili na ako, pagbalik ko sa Kakahuyan, may nakaupo na sa pwesto ko. Isang babaeng nakajacket na pink na brown ang hair. Wait? Brown ang hair? Nacurious ako kaya lumapit ako then napangiti ako ng makita ko ang muka ng girl.

"Hi" bati ko sa kanya sabay tabi. Nakita ko ang pagkagulat sa muka nya

"A-ah! A-aki?" Sabe nya. Hahahaha. Alam kong kilala nyo na sya, at tama kayo! Si Ayesha nga ang nakita ko :)

"A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Tanong nya.

"Well, nakatambay lang, nakita ko lang kanina ang lugar na to, naglibot kase ako kanina dito eh. Ikaw? Bakit ka nandito?"

"A-ahmm ano k-kase.. Manonood a-ako ng mga a-alitaptap." Wow! May alitaptap dito?!

"Wow! Really? Ayos yun. Oh sige papanoorin ko na rin sila." Sabe ko at nakita kong ngumiti sya.

"Oh bakit ka nakangiti dyan?" Tanong ko at bigla syang nag-giggle.

"Para ka kaseng bata."

"Hahahaha. Bakit? Bata pa naman tayo ah? Tsaka minsan lang ako manonood nun noh."

"Oo nga, pero basta iba ang dating sayo."

"Oh sige na nga. Bata na kung bata." Sabe ko at napatawa sya. Hahahaha. Ang lakas nyang tumawa, nakita ko naman na bgla syang napatakip sa bibig nya, hahaha kaya it's my turn to laugh.

Grabe ang cute niyang tingnan habang nagbblush siya.

"Matagal pa ba sila?" Tanong ko na lang ng maalis naman ang pagkahiya nya :)

"A-ah malapit lapit na yan." Sabe niya. Ngumiti na lang ako at tumingin na sa matandang puno.

Maya Maya lang, dumilim na at unti-unti na silang naglalabasan, dahil sa katuwaan ko napatayo tuloy ako. Grabe ang astig lang talaga nila.

"It's so amazing." Sabe ko at naupo na ulit

"Oo nga eh, sila lage ang nagpapaganda ng gabi ko."

"So, ibig sabihin lage kang nandito?"

"Oo naman. Malapit lang kase bahay ko dito. Nung bata kase ako madalas dito ako naglalaro, natutulog o kung minsan taguan ko din ito kapag naiyak ako." Sabe nya na mejo natatawa. Hmmm. Buti naman at nagkkwento na siya sa akin :)

"Matagal na pala kayo dito, mukang bago lang kase yung Subdivision." Sabe ko.

"Ah, lage kaseng pinapipinturahan nung may-ari, strikto kase yun, gusto lage malinis ganun, takot nga ako dun nung bata ako eh, hahahaha." Sabe nya at nadala na lang ako sa tawa nya.

"Oh. Aki Gabi na ah! Di ka pa ba uuwi?" Sabe nya at tumingin ako sa relo ko. 6:45 na pala. Kailangan ko ng magluto.

"Ah oo Ayesha, uuwi na ako, ikaw? Umuwi kna rin, Gabi na din, mapaano ka pa." Sabe ko at ngumiti sya.

"Oo uuwi na rin naman ako"

"Tara sabay na tayong lumabas" sabe ko at tumango siya. Lumabas na kame ng kakahuyan at tumigil saglit.

"So ahmm ingat." Sabe nya at ngumiti ako.

"Ikaw din Ayesha at oo nga pala, yung text mo iniintay ko pa din. Sige na bye!" Sabe ko at sumakay na sa bike ko.

Well, this day is so great! Nakabonding ko si Ayesha, and well masasabi kong talagang mabuti siyang tao :)

Nang makarating na ako sa bahay ay nagsaing na ako at bumili na lang ng lutong ulam sa labas, then Maya Maya lang ay naluto na ang kanin at kumain na ako mag-isa.

"It might seem crazy what I'm about to say
Sunshine she's here, you can take away
I'm a hot air balloon, I could go to space
With the air, like I don't care baby by the way"

Napalingon naman ako sa direksyon ng cellphone ko at kinuha ito, may tumatawag sa akin at number lang, pero sinagot ko pa din.

"Hello?" Sabe ko.

"Hello, haha." Sabe nya at familiar ang voice nya.

"Kilala po ba kita?"

"Hahahaha. Ako to yung lage mong kachat, Si Ayesha :D" Sabe na at kilala ko ang boses nya eh.

"Uy ikaw pala. Oh ano napatawag ka?"

"Sabe mo kase iniintay mo ako, eh tutal unli call naman ang load ko, tnawagan na kita."

"Oh ganun ba, so nag dinner ka na ba?"

"Kakatapos lang, ikaw ba?"

"Nagdidinner na."

"Ay naistorbo ko yata pagkain mo, siya kain ka muna."

"No it's OK, really, pero gusto ko nga palang mag-thank you sayo."

"Para San?"

"Well, just you made my day." Sabe ko at nanahimik siya.

"So, Pwede ko bang malaman Nickname mo? Tutal friends nanaman tayo." Tanong ko ulit sa kanya.

"Ahmm ano.. Aye."

"Hahahaha. Okay Aye." Sabe ko at natawa naman sya sa kabilang linya.

"Sige na Aki, usap na lang tayo mamaya, kumain ka muna diyan. Babye!" Sabe nya at nagbye na rin ako at binaba nya na ang phone nya.

END OF CHAPTER 7

"Kakahuyan"

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon