AYESHA'S POV.
Nandito ako ngayon sa School namin, wala nga pala kaming klase today dahil Foundation Day ngayon! As usual nag-aantay nanaman ako sa mga kaibigan kong lageng late. Wala na talaga. Di na talaga magbabago ang mga yun.
Oo nga pala, saktong kakagaling ko lang sa lagnat at nasaktuhan pa na foundation day ngayon. Ilang araw din palang di ako nakapasok at mejo nahihilo pa nga ako ngayon eh.. Tinext pa nila ako na mag-antayan sa manggahan tapos eto pinag-aantay naman nila ako.
At habang nag-aapoy ako sa lagnat nitong mga nakaraang araw ay naka-usap ko naman si Joana. Binisita kasi ako nila Bes, Joana at Ronald noon sa bahay. Nasabi nga pala sa akin ni Joana yung about sa kanila ni Andy at kinuwento naman sa akin ni Ronald yung about kay Aki at Pauleen. Hay, kailangan ba talagang ikwento pa sa akin yung tungkol sa dalawang yun?!
Putek. Nahihilo nanaman ako, dapat pala hindi muna ako pumasok ngayon eh -_-
"Good morning!"
Napatalon naman ako at natumba pa sa gulat nang may humawak sa balikat ko at bumati ng pasigaw. Aray ko naman >_<
"S-sorry." sabi niya at itinayo naman ako at doon ko lang napansin na si Aki pala yung bumati sa akin.
"A-aki ikaw pala yan." sabi ko naman pero tumingin lang siya sa braso ko na hawak niya.
"May sakit ka ba?"
"H-hah?"
"Mejo mainit ka kase eh at tsaka bakit ka nga pala absent ng ilang araw?"
"Ah eh eto nga nagkasakit kase ako." sagot ko. Ang totoo kasi niyan sabi ko kala Ronald wag na nilang yayain si Aki kung bibisita sila sa akin... Eh mukang hindi naman nagtatanong si Aki kala Ronald tungkol sa akin.. siguro busy siya kay PAULEEN.
"Bakit naman di mo sinabi sa akin? Para naman nabisita kita. Nag-alala ako ng sobra sayo kung bakit di ka nagpapakita." sabi niya naman na ikinamula ng muka ko. NAKU NAKU AYESHA. MAGTIGIL KA NGA AT WAG KANG KIKILIGIN SA MGA SINASABI NIYA. MAY PAULEEN NA YAN. MAY PAULEEN NA YAN.
"Ah. Pasensiya na pero ayos na ako ngayon."
"Talaga? Eh mainit ka pa eh."