AkiSha: Real or Reel?

26 1 0
                                    

Hello Everyone! I'm finally back again. Sorry for the super late update again. Naging super busy lang dahil lumipat kami sa malayong bahay  (literal na malayo) tapos naiwan ko pa yung script ko sa dati kong bahay. Anyways, itutuloy ko na to pero di na ako mangangako na palagi na akong mag-uupdate. Hahahaha and anyway, malapit ko na rin tapusin ang unang part ng story (don't worry my part two pa *wink*) So yun, thank you sa lahat. Enjoy :*


AYESHA'S POV.

Natapos na ang kasiyahan sa bahay nila Andy at eto na kami pauwi sa aming mga bahay. Kasabay ko sina Bes, Ronald, Clifford at syempre si Aki. Tahimik kaming lahat sa biyahe. Ewan ko nga eh kung bakit walang nagsasalita ngayon. Siguro dahil to sa nangyare kanina.....


Ganito kase yon.


Pagkatapos i-declare ni Aki na kami na sa harapan ng madaming tao while holding me in bridal style eh halos tumahimik lahat ng nasa kwarto. As in walang reaction. Nakatingin lang silang lahat sa amin na para bang hindi sila naniniwala sa sinasabe namin. Napatingin ako kay Andy at Pauleen. Yung reaction nila ang pinaka kakaiba sa lahat at ang nakakagulat pa si Andy ang unang nagsalita ng "Congrats" tapos tsaka nagpalakpakan ang mga tao. Pati sila Ronald, napapalakpak na din sa pagkagulat at sa tingin ko hanggang ngayon shock pa din sila kaya walang naimik.


"Uhm guys?" Biglang sabi ni Aki. Tumingin naman ang lahat sa kanya.


"Bakit ang tahimik niyo? Wala ba kayong sasabihin sa amin ni Ayesha?"


"Sorry bro. Pero nalilito kase kami eh." sabe bigla ni Ronald. Tiningnan namin sila ni Aki ng nagtataka look.


"Parang ang bilis lang ng pangyayari. Kailan lang nagliligawan kayo tapos ngayon, kayo na agad agad." biglang sabi ni Clifford.


"Anong parang? MABILIS talaga. Ngayon nga lang kami nagkabati ni bes dahil sa panliligaw thingy na yan tapos ngayon eto naman. Aba parang nanloloko yata kayong dalawa." sabi ni bes kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Aki.


"S-sorry kung nabigla kayo... E-eh kase mahal na mahal talaga namin ang isa't-isa and sobrang daming nangyari bago namin narealize at na-admit yun sa isa't-isa. So, wala naman sigurong masama kung maging mabilis kami diba?" sabi ni Aki habang hawak ang kamay ko. Ako naman, eto kinakagat ko yung lower lip ko kase nga kinikilig ako sa sinasabe nya.


"Naiintindihan namin bro. Ang pangit lang kase na sobrang heartbroken ka tapos biglang ganito. Di kaya nalilito ka pa din bro? Kase ang bilis talaga eh." sabi ni Ronald.


"Teka bro, are you doubting my feelings? Sa tingin mo ba basta basta ko narealize yun? Sa tingin mo ba talaga ganun kabilis yun?" sabi ni Aki na may halong galit sa boses niya. Naku... mukang di maganda to.


"Teka teka Aki. Wag kang magalit sa amin hah. Concern lang kami kay Ayesha kase ayaw namin siyang masaktan. Hindi naman sa wala kaming tiwala sayo pero kase serious matter to dahil involve ang feelings ng best friend ko dito. Dahil aminin man natin o hindi, ilang beses mo na siyang pinaiyak at sinaktan." sabe ni bes at galit din ang tono niya.


Bago pa man makasagot si Aki ay pumagitna na ako sa kanila.


My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon