Sorry sorry! Sa matagal na update. Madami lang ginawa. Sisikapin ko pong makagawa ng dalawang chapters ngayon.
AKI'S POV.
Gulong dito..
Gulong doon..
Argh. Wala pa din akong maisip, kung paano ko ba sisimulan yung operasyon ko.
Alam nyo na. Kung paano ko makukuha ulit ang atensyon ni Pauleen bago ko siya LIGAWAN.
Nandito nga pala ako ngayon sa kwarto ko at kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko. Napatagilid naman ako at nakita ko yung Teddy bear na puti na naka-jumper.
Napangiti naman ako at kinuha ito. Eto yung teddy bear na kasama ng binigay ko kay Ayesha. Ang totoo kase nan, couple bears yung napanalunan ko. Binigay ko sa kanya yung babaeng bear. Wag kayong maingay kay Ayesha na couple bear yun ah ^_~
Bumangon ako sa kama ko at nilapag yung bear sa tabi ko. Tiningnan ko yung orasan, 9:00 na pala. Kanina pa ako nag-iisip dito pero wala pa din talagang napasok sa isip ko.
Bahala na siguro bukas kung ano nang gagawin ko...
KINABUKASAN:
Inagahan ko naman ang pasok ko at tumambay ulit dun sa mini nipa hut. Tumingin ako sa room nila Pauleen. Nandoon na siya at nag-ce-cellphone. Napangiti naman ako at kinuha ko yung phone ko at tinext ko siya.
"Pst, look outside." Text ko sa kanya.
Nakita ko namang napatingin siya sa labas at ng makita niya ako ay napangiti siya. Ngumiti naman ako at kumaway sa kanya. Nakita ko namang tumayo siya sa kinauupuan niya at lumabas ng room. AYOS!
Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin.
"Hello miss." bati ko sa kanya at napatawa naman siya.
"Ikaw hah. Sinisilayan mo nanaman ako."
"Syempre naman. Diba sabi ko sayo namimiss na kita?" sabi ko at hinampas niya ako ng mahina sa braso.
"Ano ba Aki, pinapakilig mo naman ako eh." pagbibiro niya sabay tawa at napatawa naman ako. Grabe namiss ko talaga yung gantong moment namin.