Kilig overload

36 2 0
                                    

RONALD'S POV.

Nandito ako sa isang madalim na eskinita, napaka sikip at napaka init.. pero kailangan kong magtiis dahil may misyon ako ngayong araw na ito. Bawal sabihin dahil top secret to at kapag nalaman to, malamang mabibisto ako ng kalaban at mabibigo ang misyon ko.

Dahan dahan akong naglakad at hinanap ang target ko sa misyong ito at maya maya lang nakita ko na ang singkit na hinahanap ko, may kasama siyang babae na maiksi ang buhok at nagtatawanan silang dalawa.

Bigla naman siyang tumingin sa akin at naku lagot! Nabisto na nga ata ako!!!!

"Oh bro? What are you doing?" tanong niya at wala na.. MISSION FAILED.

Choz! Hahahahaha, ganda ng introduction ko nuh? Sabe ko naman kala Aye may potential akong maging Action Star. Ang totoo kase nyan nandito pa din ako sa school, napaka sikip at init naman talaga dahil ang daming estudyante at totoong may misyon ako at ayun ay pwedeng malaman ng lahat at ayun ay ang pagbatiin si Aki at Ayesha at alamin ang relasyon ni Aki kay Pauleen.

"Ah wala naman, ahm, may kasama ka pala." sabe ko at napatingin naman si Aki kay Pauleen.

"Ah yeah right, this is Pauleen, Pauleen this is Ronald." sabe ni Aki pero ngumiti lang si Pauleen.

"Oo kilala ko siya, uhm bro okay lang ba kung kausapin kita?" sabe ko at tumingin kay Pauleen.

"in private?" pagpapatuloy ko, muka namang nagets ni Pauleen at nagpaalam siya kay Aki at umalis na, naupo naman ako sa kinauupuan ni Pauleen kanina.

"May problema ba?" tanong nya.

"Ako wala, kayo ni Aye meron." sabe ko at bigla namang lumungkot ang muka niya.

"So you knew that we have a quarrel.." sabe niya.

"Oo eh, ano ba kaseng problema? Nagkwento na si Aye sa akin eh, gusto kong marinig ang part mo." sabe ko at nagsimula na siyang magkwento.

"So na hurt ka kaya mo siya iniiwasan?" tanong ko.

"Oo pero I want to talk to her, natatakot lang ako na masigawan ulit, sinabi niya ba, kung bakit siya galit sa akin?"

"Uhm, hindi naman galit sayo si Aye, nagkaroon lang kayo ng MISUNDERSTANDING." sabe ko at tinapik ang balikat niya.

"Pero bakit niya ginawa yun? I don't understand." sabe niya at tumingin sa akin.

"Eh hindi kase para sayo yung sinabi niya, nakita niya kase yung kaaway nya tapos pinaringgan siya tapos sa sobrang inis naman nitong si Aye sumigaw na lang siya bigla, ang katangahan niya lang eh, sumigaw siya sa harap mo kaya ayan na naging result." paliwanag ko.

"Oh I see, sana sinabi niya na lang sa akin."

"Naku ayun pa, hindi yun nagsasabi ng ganun, syempre ayaw mapahiya sayo." sabe ko at hininaan ko yung last part.

"Ano?" tanong niya.

"Wala, alam nyo kung parehas kayong ganyan, walang mangyayari."

"So anong gagawin ko? Sure ka ba talaga na hindi siya galit?"

"Oo nga! Kaya kung ako sayo magmatapang ka na at kausapin mo na, dapat tayong mga lalaki ang nagawa ng paraan sa mga gantong bagay." sabe ko at inakbayan siya.

"Your right. Where is she?" tanong naman niya. Tumingin ako sa stage at nakita kong nasayaw na pala sila Clifford at alam ko na kung nasan si Aye at si Mel.

"Tara follow me." sabe ko naman at pumunta naman kami sa bandang unahan. Napakahirap pumunta dahil sa dami ng tao pero nakaraos din kami at ayun! Nakita ko si Mel.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon