Ang laro

50 3 0
                                    

AYESHA'S POV.


Pagkatapos naman naming mag-enjoy nila bes sa panonood sa banda ay nagpaalam na sila sa akin kaya dumiretso na ako sa meeting place namin at ako pa lang ang nandito.



Umupo naman muna ako at nilabas ang phone ko. Tinext ko sila mama na mamaya pa ako uuwi then bigla naman akong napatingala at nakita kong ang itim ng mga ulap. Nako, sana naman eh hindi umulan ngayon >_<



"Ikaw pa lang?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko sa likuran ko si Pauleen.



"Ah oo." simpleng sagot ko at napaiwas naman siya ng tingin. Hay, hindi ko alam kung bakit pero sa aming apat na mga babae, siya lang ang hindi nakikisalamuha sa amin kaya nga hindi ko siya ganun ka-close.



Tahimik naman kaming nag-antay dun nang biglang...



"BEBE KO!" I just rolled my eyes at tumayo na ng marinig ko yung boses na yun. Saktong pagharap ko naman ay bigla akong niyakap ng lokong si ANDY sa bewang ko.



"H-hoy! Ano ba! B-bitawan mo nga ako." sabi ko habang pilit na inaalis yung pagkakayakap niya sa akin. Nakakainis na ang lalaking to ah! Ang lakas lakas ng trip niya at sa akin pa -_-



"To naman, naglalambing lang naman ako sayo. Diba double date to?" sabi niya sabay akbay naman sa akin na agad kong tinanggal.



"Double date mo muka mo." sabi ko at tumawa lang siya.



"Saan ba tayo pupunta?" tanong naman ni Aki.



"Kain muna tayo. Libre ko na." sabi ni Andy sabay kindat sa akin. Argh, yuck hah. YUCK. Pinopormahan ba ako ng mokong na to? NAKU  KUNG MAY BINABALAK MAN SIYA WAG NIYA NANG ITULOY.



"Let's go." sabi ni Aki sabay hawak sa kamay ni Pauleen at nagsimula na silang maglakad. Hay, edi sila na sweet... Nagulat naman ako ng biglang may humawak din sa kamay ko at nakita ko nanaman ang loko lokong ngiti ni Andy.



"Tara na, mauunahan tayo ng dalawa oh." sabi niya sabay hila sa akin.



"O-oy teka!" sigaw ko pero di naman siya nakinig at hinila niya pa ako hanggang sa malagpasan na namin sila Aki. Hay ang kulit kulit talaga nitong ni Andy.



Naglakad naman kami papuntang sakayan pero etong si Andy? Ayaw bitawan ang kamay ko. Di daw siya papayag na sila Aki at Pauleen lang ang sweet. Natural, nagliligawan kaya sweet, eh kami? Wala naman kaming something diba? Hay. Hibang talaga. Mejo malayo layo yung sakayan papunta doon sa Mall na sinasabi ni Andy kaya nagt-tyaga akong makinig sa mga kwento niyang ewan.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon