AKI'S POV.
Paggising ko ng umaga, lamig agad ang bumalot sa katawan ko kaya napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong ang lakas ng ulan. Teka? May pasok kaya ngayon?
Bumangon naman agad ako at inayos muna ang higaan ko bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko si Otosan sa salas namin na nanonood ng news.
"Ohayo otosan (Good morning father)." bati ko sa kanya at binati niya din ako.
"May pasok po ba kami?" tanong ko sabay tabi sa kanya sa sofa namin.
"Ah oo meron. Wala namang bagyo sa atin. Sige na kumain ka na dun." sabi niya at kumain naman ako.
After kong kumain ay niligpit ko muna yung pinagkainan ko then naligo na ako at nag-ayos na ako for school. Sinabay naman ako ni Otosan sa pagpasok dahil hindi daw safe kung mag-b-bike daw ako papasok sa school.
Nakarating naman ako ng ligtas sa school at sinilip saglit kung nakapasok ba si Pauleen ng ligtas. Nakita ko naman siya na naka-upo sa upuan niya habang nag-ce-cellphone, ngumiti naman ako at pumunta na sa room ko.
"Promise yan hah? Lalabas tayo mamaya." naririnig ko namang usapan sa likod pero di ko pinansin at na-upo na lang sa upuan ko.
"Oo, kahit bagyo pa ang dumating, lalabas tayo. Pangako yan." sabi ng isang pamilyar na boses kaya napalingon ako at nanlaki naman ang mga mata ko (kahit singkit ako) nang makita ko si Andy na kaakbay yung isa naming kaklaseng babae.
T-teka? Anong nangyayari dito? Nakita ko namang napatingin siya sa akin. Ngumiti siya sa akin sabay halik sa pisngi nung kaklase namin tapos lumapit siya sa akin.
"Hello bro! Musta sa videoke kahapon?" tanong niya sa akin habang nakangiti pero nakatitig lang ako sa kanya.
"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya ulit.
"Anong nangyayari bro?" tanong ko ng seryoso at nakita ko naman ang bakas ng pagtataka sa muka niya.
"Alin?"
"Don't play dumb with me." sabi ko sabay tingin dun sa kaklase naming babae na kaharutan niya kanina.
"Ah. Wala naman, bakit? Ano bang masama sa paglapit ng isang single na katulad ko sa kanya?" sabi niya and once again, nagulat nanaman ako.