When realization hits you

34 2 2
                                    

Humanda sa isang napakahabang chapter. (The picture is not mine)


AKI'S POV.


"Tama na to dahil lalo lang akong umaasa sa wala."


Ang huling salitang narinig ko sa kanya bago siya tumakbo palayo sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko ngayon. Natulala ako at para bang nilagyan ng malaking bato ang puso ko.


Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.


"Bro!" napatunghay ako at nakita ko si Ronald na kasama si Denny. Nawala naman ang ngiti sa mga muka nila at nilapitan ako.


"Anong ginagawa mo dito sa gitna ng ulan hah? May problema ba?" tanong ni Ronald pero hindi ko magawang magsalita at napaluha na lang ako sa harapan nila.


"Huy." sabi ni Ronald kaya pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanila.


"Sorry sorry. Ano bro, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman muna siya kay Denny bago tumango sa akin.


Hinatid muna namin si Denny sa sakayan bago kami pumunta ng 7/11. Ibinili niya kami ng kape bago kami umupo at mag-usap.


"Hulaan ko. Si Ayesha no?" tanong niya.


Tumingin naman ako sa kanya sabay tango at higop sa binili niyang kape.


"May gusto sana akong sabihin sayo bro."


"Nako, wag mong sabihin na nagbreak na agad kayo?! Nako bro, hulaan ko si Pauleen ang dahilan no? Mahal mo pa siya no?!" sabi niya at may halong galit sa boses niya.


"T-tama lahat ng sinabi mo pwera lang sa isang bagay." sabi ko at kita kong may halong pagkalito sa muka niya.


"Hindi kami nag break ka-kase.. w-wala namang kami.." sabi ko sabay tungo.


"Ano?!" sigaw ni Ronald pero hindi pa din ako tumutunghay.


"Walang kayo?! Ibig sabihin niloko nyo kami?!"


"Sorry.."


"Kaya naman pala sobrang bilis ng lahat. Grabe Aki, bakit nyo ginawa yon?!" sabi niya at alam kong galit na talaga siya. Tumunghay naman ako para harapin siya.


"Kasalanan ko ang lahat bro. Nagpanggap kami na kami dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin sina Andy at Pauleen dahil ang sakit pa din." sabi ko habang naluluha at nakita kong nanginginig ang mga kamao ni Ronald.


"Aki, pinipigilan ko ang sarili kong wag kang saktan dito dahil kaibigan kita at may respeto ako sayo. Pero hindi mo ba alam na ginawa mong panakip butas si Ayesha?! Hindi mo ba alam hah? Mahal ka niya. Mahal na mahal ka niya. Kaya isang malaking katangahan tong ginawa niyo." sabi niya kaya hindi na ako nakapagsalita at napatungo ulit.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon