AYESHA'S POV.
Isang magandang umaga agad ang bumungad sa akin paggising ko. Maganda ang panahon at parang naririnig ko pa ang mga huni ng mga ibon. Nag-inat naman ako at bumangon na at inayos ang kama ko.
Kinuha ko naman ang towel ko sa may cabinet at inayos na ang mga susuotin ko. Hmmm.. Bakit kaya good mood ako ngayon? Hmp! Bahala na. Basta good vibes lang! :)
Bumaba naman ako at binati sila mama sa may kusina. Kumain na ako and after nun naligo na ako at nagtoothbrush. Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at bigla kong nakitang umilaw yung cellphone ko.
Inabot ko naman ito at nakita kong nagGM lang pala si bes. Mukang maganda din ang gising nya ah! Nakita ko namang may isa pa akong unread message. Binuksan ko naman to at nanlaki ang mga mata ko sa message na nabasa ko.
"Good morning Ayesha. Ready ka na ba mamaya? See you at school. Take care :)"
From: Aki
What the! Anong ibig sabihin nya sa kung ready na ako? Di kaya? About to sa napag-usapan namin kagabi?!
Napatigil naman ako bigla sa pag-iisip nang tawagin ako ni mama sa may ibaba. Bumaba naman ako at mas nagulat sa nakita ko.
Doon sa may sofa namin, nakaupo siya at nang makita niya na ako ay bigla siyang ngumiti...
"A-aki?" sabi ko habang nakatingin pa din sa kanya.
"Good morning" bati niya habang nakangiti sa akin.
Ako naman ayun nakatulala lang at speechless. B-bakit ba siya nandito?!
"Hoy Ayesha, kumilos ka na at wag mo ng pag-antayin yung kasama mo." biglang sabi ni mama kaya naman dali dali akong kumilos at pumasok na kami ni Aki sa school.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami palabas ng subdivision.
"Ayesha?" biglang sabi ni Aki habang nakahawak sya sa balikat ko. Tumingin lang ako sa kanya.
"Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag." sabi niya at napatawa lang ako sabay kamot sa ulo ko.
"Ah eh.. Sorry, nagulat lang kase ako at bigla kang dumating sa bahay." sabi ko at bigla siyang ngumiti.
"Eh syempre, boyfriend mo ko diba? Dapat lang na sunduin kita sa bahay nyo." bigla niyang sabe na ikinapula ng muka ko ng sobra. A-ano bang pinagsasabe niya?!
"Oh. Nakalimutan mo na ba? Diba may usapan tayo kagabi." sabi niya. Oo nga pala.
"E-eh diba, dapat doon natin yun gagawin sa anniversary ng mama at papa ni Andy."
"Eh hindi kase sila maniniwala kung bigla bigla na lang magiging tayo sa araw na yun diba? Kaya simulan na natin ngayon."
"E-eh.. Bakit naman may pasundo sundo pa.. Eh diba hindi naman to totoo..."
"Maganda na yung ganito para kapani-paniwala. Basta wag na wag mong babanggitin kahit kanino na nagpapanggap lang tayo." sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "Tara, angkas ka na sa bike ko." sabi niya ulit kaya hiyang hiya naman akong umangkas sa bike niya at pumunta na kami sa school.
Nakarating naman kami sa may school at yung mga tingin sa akin ng mga babae, naku! Para namang may lazer yung mga mata nila at sobra na akong nalulusaw! Dumiretso kami sa parking lot para ipark yung bike niya. Pagkatapos nun ay bigla niya akong hinawakan sa kamay.
"Tara hatid na kita sa room niyo." sabi niya habang nakangiti sa akin.
"A-ah." sabi ko sabay tanggal sa pagkakahawak nya sa kamay ko. "H-hindi na, ako na lang." sabi ko sabay takbo palayo sa kanya. Tsk, bakit ko ba ginawa yun?! Siguro dahil sa sobrang nerbyos ko kaya ganun! Eh kase naman, crush na crush ko sya na naging mahal ko na tapos ganito.