SUMMER!

38 2 0
                                    

Sorry po sa matagal na update!


AYESHA'S POV.


After ng aming gala sa mall nung nakaraang buwan ay doon narin nagsimula ang Summer Vacation namin. Wala naman akong gala or ano, dito lang ako sa bahay buong bakasyon. Bahala na kung may magyaya mang mag-swimming kami or kung ano pang gala.


"Ate ate! Tara laro tayo sa computer!" yaya sa akin ng kapatid kong kasalukuyang naglalaro sa computer namin.


"Ayoko, sisipain mo lang ako kapag natalo ka."


"Hindi naman eh! Sige na nanaman ate! Sumbong kita kay Aki diyan eh." panunukso nanaman niya sa akin. Hay naku, bahala siya diyan.


Hindi ko naman pinansin yung kapatid ko at naglakad na papunta sa terrace namin para magpahangin. Grabe kase ang init sa loob. Nilabas ko naman ang cellphone ko at nakatanggap ako ng isang message.


FROM RONALD:
"Guys, punta kayo sa house namin, may pag-uusapan tayo mahalaga. Asap."


Hmmmm? Ano naman kayang pag-uusapan? Baka magkaroon kami ng outing magkakaibigan?


Agad naman akong pumasok ulit sa loob at nagpaalam kay Mama tapos naligo ako at pumunta na kala Ronald. Halos lahat na sila nandun, ako na lang pala ang wala.


"Oh Ronald, ayan na si Aye. Bilisan mo na sabihin mo na, tumakas lang ako sa bahay eh." sabe ni Clifford na mukang uwing uwi na.


"Eto na nga weirdo!" sigaw ni Ronald kay Clifford.


"Ano ba! Wag mo nga akong tawaging weirdo!" sabe ni Clifford at di na siya pinansin ni Ronald.


"Okay, ehem, Dis coming May 25 is my bertdey. I want to inbayt yu ol to Splash Island at my bertdey!!!!" sabe ni Ronald at tahimik naman ang lahat. So, ayun na yung mahalagang pag-uusapan?


"Pinapunta mo kami para lang diyan? Pwede namang sabihin mo na lang sa text tutal may load ka naman." sabe ni Pauleen at ayun na nagsimula nang magreklamo ang lahat. Kasama na ako :P


"Whoa! Easy! Easy! Ayaw nyo ba ng advance pakain? Sayang naman yung niluto ng mama ko."


"SYEMPRE GUSTO!!" sigaw naman naming lahat. Aba! Buti naman at kung ganun! Kundi babatukan ko talaga tong si Ronald eh.


"Yan, akala ko ayaw niyo eh, ngapala at my bertdey.."


"Yan nanaman english nanaman." reklamo naman ni Clifford sa likod ni Ronald.


"Bepor 6:00 in da morning, yu shud be here, so we will at da splash island ol dey!"


"Teka? Magkano babayaran namin?" tanong ko naman.


"Yu don't have tu pey but yu shud bring a gift for me!"

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon