Ayesha vs. Pauleen

16 0 0
                                    

Para makabawi ako, mag-uupdate ako ng dalawang chapters! WHooooooooo


AYESHA'S POV.

"I'm asking you, Ayesha. Totoo ba? Totoo ba na si Joana ang pinupuntahan ni Andy araw-araw?" tanong ni Pauleen na mukang desperadang ewan. Pero naaawa ako sa kanya...


"H-hindi ko alam." simpleng sagot ko dahil ayokong mangialam sa mga nangyayari. Nakita kong hinigpitan niya ang kamao niya sabay tingin ng masama sa akin.


"I'm giving you a chance to tell me the truth right now or else." pagbabanta niya na syempre kinagalit ko naman. ABA. SINO BA SIYA PARA PAGBANTAAN AKO.


"Sinabi kong hindi ko alam kaya hindi ko alam. Tsaka wala akong dahilan para magsinungaling sayo." sabi ko ng mahinahon pero deep inside naiinis ako sa tingin niya sa akin.


"Talaga lang hah? Alam kong galit ka sa akin Ayesha dahil may nakaraan kami ni Aki kaya malamang you're enjoying seeing me like this at isa pa magkaibigan kayo ni Joana kaya pwedeng pagtakpan mo ang ginagawa nila sa akin ni Andy." sabi niya nang may mapang-asar na tono na kinabwisit ko lalo. Sumosobra na siya hah. Pero hindi pa din ako magsasalita tungkol dito.


"Kung ako sayo, itikom mo na yang bibig mo dahil wala kang alam. At pwede ba, wag mong mapagsasalitaan si Joana nang ganyan, hindi siya ganong tao. Tsaka, ano bang pakialam ko sa relasyon nyo ni Andy para malaman ko lahat lahat ng yon. Kay Joana lang ako may pakialam, wala sa relasyon nyong dalawa ni Andy."


"Wow ang bitter mo naman. We're still part of the group di ba? Bakit parang hindi mo kami maturing na parte ng grupo? Dahil ba pareho naming sinaktan si Aki kaya ka nagkakaganyan? O baka naman insecure ka lang sa akin." sabi niya habang nakangiti ng nakakaasar. Talagang sinasadya niyang mang-asar hah.


"Ako? Insecure sayo? Pwede ba Pauleen. Kung hindi ka satisfied sa sagot ko sayo, wag ka na lang magsalita. Nang-iinsulto ka eh. Imbis na respetuhin mo na lang na wala akong alam sa mga nangyayari." sagot ko na nagpangisi sa kanya.


"Paano ko rerespetuhin ang sagot mo? Kung alam kong kasinungalingan lang yon?"


At sa oras na to, ako naman ang ngumisi at napatawa ng konti. "Edi ikaw na magaling, ikaw na nakakaalam. Kung alam mo naman pala kung ano ang totoo at hindi edi sana hindi ka na lang nagtanong." 


Tumingin siya sa akin ng masama pero ngumisi lang ako. "Oh sige na, hindi na ako mag-aaksaya ng panahon sayo. Kung gusto mo ng sagot, wag ako ang tanungin mo." sabi ko, sabay lakad palabas ng banyo.


"Kung ganon, si Aki na lang ang tatanungin ko. Siguro naman, hinding hindi siya magsisinungaling sa akin." sabi niya na nagpatigil sa akin. Lumingon ako para tingnan siya at nakita kong nakangisi siya sa akin.


"Oh bakit ka napatigil? Are you threaten?" tanong niya. Tiningnan ko muna siya bago tuluyang lumabas ng banyo.


Ayoko nang makipagtalo sa taong yon, baka di ako makapagpigil at awayin ko na yon. Ewan ko ba, nababaliw na yata yon eh. Umiiyak iyak siya na nagpaawa sa akin tapos biglang nagtaray at ininsulto ako ng ininsulto na nagpagalit naman sa akin.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon