AKI'S POV.
"WALA KA NANG PAKIALAM! UMALIS KA NA NGA!"
Eto ang linyang paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko. May nagawa kaya akong kasalanan sa kanya? Pero ano yun?
"Aki." napalingon naman ako ng makita ko ang kaibigan kong si Darwin.
"Oh, bakit?" sabe ko.
"Ah wala, para kaseng matamlay ka, are you okay?" tanong niya.
"Yeah, Im fine." sabe ko and gave him a weak smile.
"Naku, girl problem yan noh?" sabe nya sabay tawa. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Wag mo ng problemahin yang babae na yan. Babae lang yan eh, eto bigyan kita ng isang text mate, maganda to tsaka mabait."
"Wag na."
"Bilis na, eto naman, makikipag kaibigan ka lang naman." sabe nya at nilabas ang phone nya. Hays ang kulit kulit niya naman, kaya naman pumayag na lang ako sa gusto niya.
"Anong name?" walang gana kong tinanong.
"Pauleen." sabe nya. Kaya naman pinangalan kong Pauleen yung number.
"Oh ano pang hinihintay mo? Itext mo na." sabe niya
"Mamaya na nga, wag ka ng makulit." sabe ko at tumigil na siya.
RECESS:
Lumabas ako ng room para bumili ng pagkain sa canteen ng makasalubong ko sila Ronald, Mel at Ayesha.
"Oh bro, hi!" sabe ni Ronald.
"Hello." bati ko.
"Gusto mo bang sumabay sa amin? Kakain kami sa soccer field tara!" yaya ni Ronald, tumingin naman ako kay Ayesha at nakita kong nakatungo siya. I see. Galit pa din siya.
"Ah hindi na, nakabili na kayo ng pagkain, nakakahiya naman." sabe ko at umalis na...
Ano ba kase talagang nagawa ko? Ni hindi man lang nya ako binati... Ibig sabihin.. galit talaga siya sa akin.. Umupo naman ako sa manggahan at doon na lang kumain, nang may maramdaman akong tumabi sa akin.
"Hello." sabe niya napatingin naman ako sa kanya at nagulat ako. Ayesha?!
Hindi ako makapagsalita sa nakita ko. "Uhm? May problema ba?" nagising naman ako sa pagkakatulala ko at nakita kong hindi pala si Ayesha yun.. Kamuka nya lang pala, parang siya nga eh, maikli nga lang buhok nito.
"O-oh sorry, well hello." bati ko din. Napatawa lang siya sa asal ko.
"Mukang tulala at problemado ka ah." sabe niya.
"Ah sorry, nagkaroon lang kami ng away ng kaibigan ko and I think It's my fault."
"You think?"
"Well yeah. Galit siya sa akin eh.. Pero di ko alam ang dahilan, sa tingin ko may nagawa akong hindi maganda sa kanya." sabe ko naman at napatungo.
"Hmmmm.. hayaan mo magkaka ayos din kayo nun. Your friends right? So bakit ka pa mag-aalala?" sabe nya at napangiti naman ako. She's right. Ayesha and I were friends, kaya naming ayusin to.
"Thank you." ngiti ko at ngumiti din siya.
"By the way, I'm Aki." sabe ko at inabutan siya ng kamay para makipag shake hands.
"I know, popular ka kaya dito." sabe nya at natawa naman ako.
"I'm Pauleen. Pauleen Perez." sabe nya at inabot ang kamay ko.
"Wow, alam mo, binigyan ako ng friend ko ng text mate na babae, well hindi ko pa sya natetext and parehas kayo ng name, sabe nya makipag friends daw ako dun." sabe ko at natawa siya.
"Really? Ang galing hah, malay mo ako yan." sabe niya at nilabas ko ang phone ko at pinakita sa kanya ang number. Nakita ko namang nanlaki ang mata nya.
"T-that's my number! Sino nagbigay sayo nan?" tanong nya at nagulat din ako.
"Darwin. Darwin Alipala." sabe ko at napangiti siya.
"Ah so it's Darwin, kapitbahay ko yan." sabe niya.
"Well that's cool, nice to meet you Pauleen." sabe ko at ngumiti siya.
"Baka ako talaga ang nakatadhana na magpasaya sayo ngayong araw." sabe niya at ngumiti ako. Hmmm. Maybe?
Kaya nagkwentuhan pa kami at aaminin ko masaya siyang kasama. Napahaba pa ang kwentuhan namin ng malaman naming may visitors at kailangan na naming pumunta sa quadrangle.
"Naku, kailangan ko na palang kuhanin yung bag ko." sabe ni Pauleen.
"Samahan na kita, para mapagpatuloy mo yung kwento mo." sabe ko at ngumiti siya. Pumunta naman kami sa room niya and bumalik ako sa pagiging malungkot ng makita kong katabi lang pala siya ng room nila Ayesha. Wala pa sila dun sa loob, malamang nasa soccer field pa.
"Wait lang hah." sabe ni Pauleen at nag-antay naman ako sa labas ng room nila. Nakarinig ako ng kaunting irit sa loob ng room nila Pauleen at nakalabas na siya may dalang bag ng makita ko sila Ayesha at nakita rin nila ako.. Napatitig naman ako sa kanya ng may malaking mata (kahit singkit ako).
"Bakit A-" sabi ni Pauleen at lilingon palang siya ng akbayan ko siya kaya hindi nya natapos ang sasabihin niya.
"K-kukunin ko na rin yung bag ko." sabe ko at umalis na habang nakaakbay sa kanya. Di ko din alam kung bakit ko to ginawa. Parang nag panic ako ng makita ko si Ayesha. Parang ayokong makita niya akong may kasamang ibang babae.. Huh.. Naweweirdohan na ako sa sarili ko....
AYESHA'S POV.
"Aye?" sabe ni Ronald sa akin habang nakatulala pa din ako sa nangyari. S-si Pauleen ba yun? Anong meron sa kanila?
"Uy Bes." sabe naman ni Mel.
"T-tara na sa room, kunin na natin yung bag natin." sabe ko at pumunta na ng room.
"Bes!" sigaw sa akin ni Mel. Kinuha ko na yung bag ko at naramdaman kong may tumulo sa mga mata ko.
"Uy Bes, bakit ka ba naiyak hah? Wala lang naman siguro yun." sabe ni Mel.
"Wala lang? Muka bang wala lang yon..." sabe ko at naiyak na.. niyapos naman ako ni Mel.
"Bes talagang galit siya sa akin.. iniwasan niya ako kaninang recess tapos ngayon naman iniwasan nanaman niya ako may extra pa.. at si Pauleen pa! Grabe naman siya Bes.. ang sakit kaya." sabe ko habang umiiyak.
"Talaga namang Pauleen na yun! Lahat na ng mga lalaki sa buhay natin, inangkin!" sabe ni Mel.
"Teka, hindi pa tayo sure dun sa Pauleen-Aki thingy, hayaan mo Aye, kakausapin ko si Bro." sabe ni Ronald kaya naman lumapit ako at niyapos siya at nag thank you.
Pumunta na kami ng Quadrangle at hinahanap naman ni Ronald si Aki.
"Dito na lang kayo hah, ako ng bahala." sabe ni Ronald at nawala na sa crowd.
"Naku, kapag nalaman ko lang talaga na nilalandi nya rin si Aki, malilintikan sa akin yun." sabe ni Bes. Pero tahimik lang ako..
Paulit ulit pa rin nag pplay sa isip ko yung ginawa ni Aki kay Pauleen at yung kakaibang titig nya sa akin. Bakit niya ginawa yon? Tsaka magkakilala sila ni Pauleen? Bakit ngayon ko lang nalaman? Hay hindi ko na malaman kung ano bang nangyari sa amin. Tsaka yung Pauleen na yun ang may kasalanan ng pag-aaway namin. Bakit siya pa ngayon ang kasama ni Aki?! Nakakaasar naman talaga.
"Hoy Bes. Wag ka na ngang mag emote diyan. Tara dun tau sa unahan, sasayaw sila Clifford eh. Baka sakaling sumaya ka kapag nakita mo na syang sumayaw" sabe ni Bes.
"Hindi ako si Mel para sumaya kapag nakita na si Clifford." sabe ko at tumawa naman si Bes at pumunta na kami sa unahan. Sana nga.. sumaya ako kahit papano..
END OF CHAPTER 13
"Meeting Pauleen"
Salamat kay @rackieljay sa boto :*