RONALD'S POV.
Today is Sunday at nagkayayaan ang tropa na magsimba. Well, kaming apat lang naman nila Aye, Mel at Clifford ang lalabas ngayon. Kahapon dapat kami aalis kaso umalis naman si Ayesha kahapon kaya ayun ngayon na lang daw.
Tumingin naman ako sa wrist watch ko habang nakasakay sa Jeep. Nakow late nanaman ako sa usapan namin. Lagot nanaman ako kay Ayesha nito >_<
Makalipas naman ang ilang minuto ay nakarating na din ako sa simbahan at hinanap sila Ayesha sa loob. Nandoon na silang tatlo nila Mel at nakatayo lang din. Mukang late na rin sila nakarating kaya di na umabot sa upuan. Napansin ko namang naka-shades itong si Ayesha.. Hmmmm? Ano naman kayang pumasok sa isipan nito at nag-shades?
After naman naming magsimba ay tahimik lang itong si Ayesha kahit nga noong nasa simbahan kami eh hindi siya umiimik. Tiningnan ko naman si Mel at itinuro si Ayesha pero mukang wala din palang alam itong si Mel. Kaya naman..
"Hoy Aye!" masigla kong sabi sabay akbay sa kanya pero ni hindi man lang siya umangal o ngumiti. Talagang wala siyang karea-reaksyon.
"Hoy bes, bakit ba kanina ka pa tahimik hah?" sabi naman bigla ni Mel sabay tabi sa kanya.
"....."
"Oy Aye." tawag ni Clifford.
"....."
"Besss~" malambing na tawag naman ni Mel.
"....."
"AYESHA!" sigaw ko naman sa tenga niya at sa wakas nagkareaksyon na din siya.
"A-ano ba Ronald! Bakit ba bigla bigla ka na lang naninigaw diyan hah?!" galit na sabi naman niya sa akin pero nakatingin lang kami sa kanya.
"B-bakit ganyan kayo makatingin?" tanong naman ni Ayesha.
"Bes, kanina ka pa namin tinatawag. Kaya nagpapasalamat ako ng lubusan sa pagsigaw ni Ronald sayo at sa wakas ay pinansin mo na rin kami. Ano bang nangyayari sayo hah?" sabi naman nitong Mel pero napatungo lang itong si Ayesha.
"Oo nga Aye at bakit ka ba naka-shades hah? May sore eyes ka ba?" tanong naman nitong si Clifford. Napatingin naman ulit ako kay Ayesha at kahit hindi ko makita ang mga mata niya alam ko namang malungkot siya at may problema siya at syempre alam ko kung sino ang cause ng problema niya.