The Root of Everything

22 1 0
                                    

Natapos din sa culminating activities, exam na lang, pero gusto kong bigyan ng time sila Ayesha! ^^

Kaya eto na :)


AYESHA'S POV.

Naka-received ako ng text galing sa mama ni Joana na nasa hospital daw ito kaya agad kaming pumunta ni Aki sa address ng hospital kung saan naka-confine si Joana.


Hinatid kami ng mama niya sa room ni Joana at halos maiyak ako nang makita ko kung gaano kalala ang lagay ni Joana. Napatingin siya sa amin nang mapansin niya kami.


"A-ayesha....?" tawag niya sa akin nang may panghihina sa boses niya.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya tumakbo na ako papunta sa kanya para yakapin siya habang may tumutulong luha sa mga mata ko.


"H-huyy.. ano ka ba.. wag ka namang ganyan.. g-ganto t-talaga, lahat tayo darating sa g-ganito." bulong niya sa akin.


"W-wag kang magsalita ng ganyan! Sakit lang to Joana, gagaling ka pa! Papasok ka pa sa school, may reporting pa tayo di ba." sabi ko nang may panginginig sa boses ko.


"Ayesha... m-matagal ko nang tanggap ang sitwasyon ko." sabi niya kaya napabitiw ako sa kanya para tingnan ang muka niya. Nakatingin siya sa akin nang may ngiti sa muka. Isang malungkot na ngiti.


"M-matagal?" napatingin ako sa likuran ko nang magsalita si Aki.


"Oo Aki.. m-matagal na." sagot ni Joana.


"Alam ba ni Andy to?" tanong ni Aki. Nagbago ang pinta sa muka ni Joana at nagsimula siyang umiyak kaya agad akong tumabi sa kanya. Pinakalma ko muna siya ng ilang minuto bago ulit magsalita si Aki.


"Eto ba ang dahilan ng lahat?" tanong ni Aki.


Natahimik muna si Joana bago siya tumango.


"Naalala mo ba noong isang beses na nakita mo ako sa room na maga ang mata?" tanong niya sa akin pero nakatingin lang ako sa kanya habang tumutulo pa din ang mga luha sa mga mata ko.


"The night before that, nalaman ko na.. meron na lang akong ilang buwan para mabuhay." sabi niya while smiling weakly na nagpahagulgol sa akin.


Naramdaman kong tumabi si Aki sa akin sabay yakap sa akin.


"Sorry. Hindi ko agad nasabi sa inyo, hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang sabihin." sabi ni Joana pero hindi pa din ako makapagsalita at tanging iyak ko lang ang naisasagot ko sa kanya. 


Dumating ang doctor ni Joana kaya lumabas muna kami ng room niya kasama ang mommy niya.


"Matagal na po ba ang sakit ni Joana?" tanong ni Aki sa mommy ni Joana.


"Yes. Nalaman namin yon, bata pa lang siya. That's why she can't handle strong emotions kaya noong una, hindi ako payag sa relasyon nila ni Andy." sabi ng mommy niya habang tahimik kaming nakikinig ni Aki.

My Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon