AKI'S POV.
Tumingin ako kay Ayesha at mukang alam ko na ang gusto niyang pag-usapan. Ngumiti naman muna ako bago ako magsalita.
"About to sa sinabi ni Iris ano." sabi ko. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumango.
Niyakap ko naman siya bago ako magsimulang magkwento. "What happened back then, isa lang naman yung puppy love." pagsisimula ko at naramdaman kong tumunghay siya sa akin.
"Magkababata kaming apat. Ako, si Ronald, Andy at si Iris. Nagkakilala kami kasi iisa yung prep school na pinapasukan namin hanggang sa mag elementary, mag schoolmates kami." kwento ko habang nagfflashback sa isipan ko ang mga ala-ala namin noon.
"Ang tawag pa nga sa aming tatlo nila Ronald, ang tatlong gwapong musketeers at si Iris ang princess namin." sabi ko at naramdaman kong napatango tango si Ayesha.
"Tapos syempre, hindi maiiwasan na magkaroon ng tuksuhan noong elementary at yung tinukso sa akin noon si Iris. Palagi ko kasi siyang pinagtatanggol noon sa mga kaklase naming nang-aasar kasi crush ko siya noon. So, masasabi nating si Iris ang 1st crush ko." sabi ko at naramdaman ko namang humigpit ang yakap ni Ayesha sa akin kaya ngumiti ako at hinalikan ko siya sa ulo.
"Don't worry, past ko na siya, ikaw na ang present at magiging future ko." sabi ko sabay tingin sa kanya. Tumingin naman siya sa akin ng mapula ang muka kaya natawa ako.
"Ituloy mo na lang yang kwento mo bago pa ako mag pabebe dito." sabi niya kaya natawa ulit ako.
"At yun nga, dahil sa crush ko siya, akala ko siya na ang makakasama ko habang buhay kaya sinabi ko sa kanya na pakakasalan ko siya someday. Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko yun kasi noong bata pa pala tayo akala natin sobrang liit lang ng mundo, hindi natin alam na marami pa pala tayong hindi alam, na marami pa pala tayong hindi nararanasan at marami pa pala tayong makikila na ibang tao." sabi ko habang tinitingnan ang apoy sa harapan namin.
"Tapos isang araw, nalaman ko na lang kay Andy na magmimigrate na sila Iris, hindi ko pa nga alam ang ibig sabihin non dati eh, basta ang alam ko lang, mapapalayo siya sa akin at alam kong hindi na siya babalik pa kaya I suffered from my 1st heartbreak when I was a kid. Akala ko katapusan na ng lahat, akala ko lahat ng tao iiwanan ako tapos sumabay pa si Andy, lumipat siya ng school kaya kaming dalawa na lang ni Ronald ang natira. Kaya ngayong high school na lang ulit kami nagkasama sama." sabi ko habang inaalala ang malungkot na parte ng childhood ko.
"At yun na yun. I started to make new friends kahit kasama ko pa din si Ronald then later on nakakilala na din siya ng new friends and kayo ni Mel yun." sabi ko at naramdaman kong napatawa siya.
"Eh base sa pagkaka-kwento ni Joana, nauwi naman daw si Iris, hindi ba kayo nag-usap at nagkita non?" tanong niya.
"No. Ngayon ko nga lang nalaman na meron palang ganon, she told me nung magkita ulit kami nito lang na ayaw niya daw makita ko siya kaya sinikreto nila yung pag-uwi uwi niya kaya bilang pagbawi namasyal kami sa mall ng kami lang dalawa, yun siguro yung time na nakita mo kaming dalawa na magkasama. Tinanong niya din ako kung my gf na daw ako sabi ko na ikaw ang gf ko ngayon, palagi pa nga kitang binabanggit sa kanya eh kaya nasabi niya sayo na parati kitang namemention sa kanya." sabi ko habang natatawa tawa.